Kinabukasa nagising siyang mag isa sa kama at wala sa tabi si Mikel. Agad niyang nilibot ang mga mata sa silid para hanapin ang asawa pero wala ito. Nagbuga siya ng hangin at tumitig sa kisame. Akala pa naman niya ito na ang unang pagkakataon na sa pagmulat niya ng kanyang mga mata at masisilayan niya ang gwapong mukha ng asawa. "Bakit naman ang aga niyang nagising," bulong niya at nalipat ang mga mata sa may bintana na natatakpan ng makapal na kurtina hindi tuloy pumapasok ang araw sa loob ng kanilang silid. Kagabi ang unang gabi nila ni Mikel bilang mag asawa, at masasabi niyang nagampanan ng asawa ang honeymoon na inaasahan niya sa asawa. Hindi lang kasi siya nito isang beses inangkin kundi paulit-ulit siya nitong inangkin hanggang sa kapwa na sila mapagod nito at hindi na makaya pan

