Kanina pa siya nasa hardin at pabalik-balik ng lakad iniisip kasi niya kung paano ba niya sasabihin kay Mikel na namukhaan yata ito kahapon nang sunduin siya nito, and nais rin niyang sabihin na gusto niyang umattend ng frat party kasama ang dalawa niyang kaibigan. Alam niyang una pa lang ayaw na talaga ni Mikel dahil may pagka possessive ito na parang seloso pero hindi naman daw ito nagseselos. Hindi kasi niya gustong magtampo sa kanya sina Evie at Jade. Baka tuluyan ng mainis sa kanya ang dalawa sa sobrang pabebe niya at OA. Ganoon pa man nais niyang subukan pa rin na magpaalam rito para maka attend siya. Hindi naman na siya bata na walang alam para protektahan ang kanyang sarili. Siguro wala siyang idea kung anong klaseng party iyon pero, eighteen naman na siya at hindi na rin siya vir

