"Tell us Liyah, sino ang lalaking sumundo sa iyo kahapon sa gate ng university?" Pangungulit sa kanya ni Evie. Kanina pa tanong ng tanong ang dalawa niyang kaibigan tungkol sa kung sino ang sumundo sa kanya kahapon. Hindi naman niya pwedeng sabihin na si Mikel iyon, dahil magagalit ang mga ito sa kanya. Ang tagal na niyang alam na patay na patay ang dalawa kay Mikel, tapos siya pa pala ang makakauna sa mga ito, baka tuluyan na siyang mawalan ng kaibigan. "Kahit naka face mask and shades gwapo daw, sabi ng mga nakakita and also na the expensive car. Meaning hindi siya ordinaryong lalake lang," Jade said to her. "Wala lang iyon," tanging saad niya. Hindi niya nais magsalita ng kahit ano at baka mahulaan ng dalawa kung sino talaga ang sumundo sa kanya. Ito na nga ba ang kinatatakutan niyan

