"Para sa akin Miko, wala tayong dapat pag usapan pa! Tinrato mo kong parang basura noon na pagkatapos mong pakasalan basta mo na lang ako pinatapon sa malayo!" Galit niyang saad kay Miko at buong lakas niyang binawi ang kanyang braso rito. Pinagpasalamat niyang nabawi naman niya.
"Malinaw sa akin ang lahat, Miko. Kailangan ko pa ring magtago at walang pwedeng makaalam na asawa mo ko! Don't worry hindi ko rin nais na malaman ng iba na asawa kita!" Galit pa niyang saad rito sabay kuha sa kanyang mga gamit. Hindi siya papayag na tumira sa bahay nito.
"Tatawag na lang ako sa secretary mo para ipaalam kung saan niya ipapadala ang allowance ko," saad pa niya habang tila nakatulala sa kanya ang asawa.
"Pareho nating hindi ginusto ito, Miko!" Saad pa niya sabay talikod dala ang kanyang mga gamit.
"Pag lumabas ka ng bahay na ito, Patricia mawawala ang lahat ng binibigay ko sa iyo! Allowance, sasakyan at shopping!" Pagbabanta sa kanya ng asawa na napatigil sa kanya sa paglalakad.
Hindi siya pwedeng mawalan ng allowance mula sa asawa. Hindi pa sapat ang kanyang naipon. Isa pa asawa na siya nito kaya obligasyon siya nitong buhayin at bigyan ng marangyang buhay.
Lumingon siya sa asawa at masamang tingin ang pinukol rito. Kailangan ipakita niyang kaya niya, para matakot ito sa kanya, sa kung ano ang kaya niyang gawin.
"Hindi ko kailangan ang pera mo!" Sigaw niya at tumalikod na saka nagtuloy na sa paglabas ng bahay nito. Hindi naman na siya sinundan pa ni Miko.
Huminto siya sa paglalakad nang nasa labas na siya at sinulyapan ang pintuan. Sadya siyang naghintay ng ilang minuto dahil umaasa siyang susundan siya ng asawa. Pero nainip na siya hindi pa rin lumalabas ang asawa niya.
"Kainis! Wala pa rin siyang character development! Masama pa rin ang ugali niya!" Inis niyang saad saka lumakad na sa bakuran patungo sa mataas na gate kung saan may guard na nakabantay.
Hinihingal na siya nang marating ang gate at inutusan ang guard na buksan ang gate para sa kanya. Napansin kasi niyang naka lock iyon.
"Pasensya na po Ma'am, mahigpit na bilin po ni Sir na huwag po kayong palabasin ng gate," tugon sa kanya ng gwardya.
"What?!" Bulalas niya at laylay ang mga balikat na sinulyapan ang mahabang nilakad niya marating lang ang gate, pagkatapos hindi naman pala siya makakalabas.
"Hindi pwede," bulong niya at muling pinakiusapan ang guard na palabasin na siya at siya na ang bahala kay Miko. Pero loyal ito sa amo nito kaya kahit anong pakiusap at pagmamakaawa niya rito, hindi ito pumayag na buksan ang gate.
Wala siyang nagawa kung di ang bumalik sa loob ng bahay ni Miko, kesa sa manatili siya sa labas at makiusap sa guard. Kahit yata umiyak siya ng dugo hindi nito bubuksan ang gate.
Inis siyang bumalik sa bahay bitbit ang kanyang mga gamit. Nag presinta pa ang guard na ito na ang magdala sa kanyang mga gamit, pero tinaggian niya ito.
Pagod at masakit ang kanyang mga paa nang makapasok siya sa loob ng bahay ni Miko. Agad naman siyang sinalubong ng kasambahay at sinabing ito na raw ang mag-aakyat sa mga gamit niya. Wala siyang nagawa dahil mukhang naka train ang lahat ng tao sa bahay na ito at isa lang ang sinusundan ng mga ito, at iyon ay si Miko
Humugot siya ng malalim na paghinga at inayos ang kanyang buhok na nagulo dahil sa haba ng kanyang nilakad.
"Nasaan si Miko?" Tanong niya sa kasambahay na may hawak sa kanyang mga gamit.
"Nasa komedor na po si Sir at nag-aalmusal," tugon nito sa kanya.
Inis siyang lumakad patungo sa komedor para harapin ang asawa na hindi patas kung lumaban. Ginagamit nito ang kapangyarihan nito sa mga tauhan nito sa bahay. Habang siya lumalaban siya ng patas at wala man ni isang kasangga.
"Miko!" Malakas niyang tawag sa asawa na nag echo sa loob ng malaking bahay.
"Miko!" Muli niyang sigaw sa pangalan ng asawa. Nadatnan niya ito sa may komedor na kalmadong kumakain na para bang hindi nito naririnig ang mga tawag niya rito.
Muli siyang napahugot ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang mga mata, para ikalma ang sarili at baka ibuhos niya sa asawa ang mainit na kapeng nasa tasa.
"Ano bang laro mo ah?!" Galit niyang tanong kay Miko nang lapitan ito sa mesa habang busy sa pagkain.
Nalipat ang atensyon nito sa kanya. Tinignan siya nito sa mga mata. Nagtaas siya lalo ng kilay para ipakita ang kanyang galit.
"Hey, Patricia, I thought naka alis ka na?" Tanong nito sa kanya at ngumisi pa. Ngising demonyo ang nakita niya sa labi ng asawa.
"Paano ako makakaalis ayaw akong pagbuksan ng gate ng tao mo!" Inis niyang tugon sa asawa.
"He is just doing his job," tugon sa kanya ni Miko at tinuloy nito ang pagkain.
"Maupo ka na Patricia at sabay na tayong mag almusal," saad nito na hindi man siya tinitignan sa mga mata.
Galit na galit siya, para na siyang sasabog sa galit, pero ang asawa niya napaka kalmado lang at nakuha pang kumain kesa sa harapin siya at kausapin. Bakit ba may ganitong klaseng tao, sobrang bastos at walang puso.
"Hindi ko gustong makasabay kang kumain!" Galit niyang saad rito.
"Sabihan mo ang mga tao mo ba pabayaan akong umalis! Hindi ako dito titira kasama ka!" Galit niyang saad rito.
"Saan mo naman balak pumunta at this moment?" Tanong ng asawa sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot rito. Biglaan ang lahat at wala siyang idea kung saan pwede siyang mag stay. Hindi siya pwedeng umuwi sa bahay nila, tiyak na ihahatid siya ulit ng Daddy niya.
"Kahit saan, Miko, basta malayo sa iyo!" Galit niyang tugon sa asawa.
"Well," saad nito at nagpunas ng bibig bago siya nito sinulyapan.
"Sorry to say this, sweetheart," Miko said. Napatuwid pa ang likod niya nang marinig ang tinawag nito sa kanya. Sweetheart? Bakit sweetheart ba ang tawag nito sa mga babae nito? Ganoon pa man hindi siya nagpahalata na may epekto sa kanya ang pagtawag nitong sweetheart.
"Narito ka na sa bahay ko, Patricia at hindi ka na makakaalis pa. Asawa kita kaya nasa akin ang lahat ng karapatan para mag stay ka rito," Miko said.
"Hindi mo ko pangmamay-ari Miko!" Asik niya rito.
Nagulat siya sa biglang pag tayo nito mula sa kinauupuan at mabalasik ang mga mata nitong tumingin sa kanya. Napaatras pa siya sa pagkabigla at takot.
Inisang hakbang lang nito ang distansya nila. Napatili siya nang marahas nitonh saklitin ang kanyang braso at hilahin siya nito palapit rito. Muli siyang tumili nang bumunggo siya sa malapad at matigas nitong dibdib. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa mabalasik nitong mga mata. Dapat na ba siyang matakot sa asawa niya?
"Asawa kita, Patricia. You are mine," Miko said. Mariin ang bawat salita nito na tila ba nanunuot sa buong katawan niya.
"Sa loob ng solar ko ako lang ang dapat na masunod! Kaya pag sinabi kong hindi ka aalis ng bahay ko Patricia, hindi ka aalis!" Mariing saad pa rin nito sa kanya.
Kumakabog sa takot ang kanyang dibdib. Mabilis din ang t***k ng kanyang puso, at ang lahat ng ito ay dahil sa takot sa gwapo niyang asawa. Sa mabango niyang asawa.