“Huwag po kayong mag-alala, Dad. Ako na po ang bahala kay Patricia,” nakangiting sabi niya sa biyenan nang ihatid ito sa labas matapos nitong ihatid ang anak sa bahay niya. “Miko, ikaw na ang bahalang magpasensya diyan sa anak ko, ha. Habaan mo na lang ang pasensya mo,” bulong sa kanya ng biyenan. “Dad!” saway ni Patricia na nasa likuran niya nang marinig ang bulong ng Daddy nito. “Patricia, asikasuhin mo ang asawa mo. Huwag kang mag-inarte. Wala ka na sa bahay natin. Ang asawa mo na ang asikasuhin mo,” seryosong sabi ng biyenan sa asawa. Sinulyapan niya si Patricia na nakatayo sa likuran niya, saka bahagya siyang ngumiti at muling nagpaalam sa biyenan. Wala rin namang nagawa ang asawa niya. Nagmamatigas pa ito na hindi raw ito titira sa bahay niya. Hindi naman pala makatanggi sa Daddy

