"Bakit hindi ka pa sumama sa asawa mo, Patricia?' Tanong ng Daddy niya nang makaalis na si Miko.
"Nag usap na po kami ni Miko, at dito po muna ako mag stay," tugon niya sa ama.
"Patricia, pinauwi ka namin dito para sa pagsasama niyo ni Miko, tapos tatanggian mo ang asawa mo!" Galit na saad ng ama.
"Dad, hayaan mo muna ang anak mo. Kararating lang niya," pakiusap ng Mommy niya sa ama.
Naroon din sa sala ang dalawa niyang kapatid, wala ni isa sa mga ito nakikialam sa gulo nila.
"Anong hayaan! Nakakahiya ang ginawa niya! Kaya nagtungo si Vice dito dahil ang alam niya susunduin niya ang asawa niya!" Mariing saad ng ama.
"Dad, hayaan niyo po muna kami ni Miko, aayusin po namin ang ano mang gulong ito," saad niya sa ama.
"Oo nga naman, pabayaan mo muna ang mga bata," segunda ng ina.
"Dalawang taon na ang nasayang sa pagsasama nila. Kung hindi pinili ng anak mo ang umalis di sana magkasama na sila at wala na tayong iisipin pa sa pagsasama nila. Pero ano! Heto at nangangapa na naman tayo! Hindi natin alam kung anong laro ang gagawin ng anak mo ngayon!" Galit na galit na litanya ng Daddy niya.
Hindi rin naman niya ginustong umalis noon. Pinaalis siya ng asawa niya. Pinatapon siya sa malayong lugar. Pero ang sinisisi siya pa rin. Lahat na lang ng mali sa pagsasama nilang ito ni Miko ay siya ang mali at at sinisisi, kahit wala naman talaga siyang kasalanan.
"Bukas na bukas, Patricia ako mismo ang maghahatid sa iyo sa bahay ng asawa mo!" Mariing banta ng ama sa kanya. Nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Pero pinili na lamang niyang huwag kumibo, masyado ng galit ang ama, baka kung ano pa ang mangyari rito kung sasagot-sagot pa siya rito.
"Umakyat ka na at ihanda mo ang mga gamit mo at pag gising mo bukas ihahatid kita sa asawa mo!" Mariing utos ng ama. Tumango sa kanya ang Mommy niya na para bang sinasabi nitong sumunod na lang siya ama.
Humugot siya ng malalim na paghinga at sinulyapan ang dalawang kapatid na naroon. Kalmado lang ang Kuya Ariel niya, may takot naman sa mga mata ng bunso niyang kapatid. Hiling niyang hindi sana maranasan ni Kate ang nararanasan niya ngayon. Sana ay malaya ang kapatid na makapili ng pakakasalan nito, iyung mahal nito at mahala siya nito. Hindi katulad niya na kinasangkapan lang ng mga magulang para sa kapangyarihan na nais pang makamtam ng mga ito sa buhay.
Malungkot siyang nagpaalam sa mga kapatid at magulang, saka na siya lumakad paakyat ng hagdan para magpahinga na. Iyon ay kung makakapagpahinga ba siya sa pagbabanta ng Daddy niya sa kanya na ihahatid siya nito sa bahay ni Miko bukas ng umaga.
Dahil nakaramdam siya ng pagod sa saglit na dinner kasala si Miko, naisipan niyang magbabad sa bathtub para ma relax ang kanyang buong katawan. Habang nakababad ang katawan sa mabangong bula pinikit niya ang mga mata. Gwapong mukha ng asawa niya ang nakita niya. Nakita rin niya ang eksenang nasaksihan niya kanina sa airport ang asawa niya at ang kasama nitong babae.
"Anong gagawin ko pag tinotoo ni Daddy ang sinabi nitong ihahatid siya sa bahay ni Miko?" Tanong niya sa sarili. Hindi niya nais makasama sa iisnag bubong ang asawa. Wala siyang tiwala sa kanyang sarili, lalo na't tila siya naaakita sa angking kagwapuhan ng kanyang asawa. Baka ipagkanulo siya ng kanyang sarili pag nagsama sila ng asawa sa iisang bubong.
Nais niyang katulad ng set up nila ni Miko sa New York ang mangyari rito. Nais niyang hiwalay pa rin sila ng asawa, tutal naman hanggang ngayon hindi pa rin siya pwedeng ilantad ng asawa sa publiko. Itatago pa rin siya nito sa mga tao. Binata pa rin ang status nito sa harap ng maraming tao.
Pagkatapos niyang naligo nagbihis na siya at pinatuyo ang buhok. Binuksan ang maletang dala niya at inilabas ang wedding ring na bigay ni Miko sa kanya noong ikasal sila. Million ang halaga ng singsing na iyon, pero wala siyang halaga sa taong nagbigay non sa kanya. Iyon ang masakit na katotohanan.
Bago siya nahiga nagtungo muna siya sa may veranda para magpahangin. Dalawang taon rin siyang nawala sa kanilang bahay at namiss niya ang kanyang silid. Ang payapa niyang silid.
Sa totoo lang na miss niya ang buhay niya sa San Juan. Na miss niya ang mga taong malapit sa kanya. Mahirap ang mamuhay sa malayong lugar na wala ni isang kakilala. Pero kinaya naman niya sa loob ng dalawang taon. Tanggap na nga niya na doon na siya tatanda. Inihanda na niya ang sarili sa mamuhay mag isa habang buhay.
"Everything has changed now," she whispered.
Kinabukasan nagising siya sa yugyog sa kanyang balikat. Hindi pala niya na ilock ang pintuan ng kanyang silid kaya nakapasok ang Mommy niya para gisingin siya.
"Maghanda ka na, Patricia mukhang seryoso ang Daddy mo na ihatid ka niya sa bahay ni Vice," saad ng Mommy niya sa kanya nang magising siya at makita ito.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Dalawang taon ang nakalipas, pero wala pa rin siyang kaya sa ama. Hindi pa rin niya kayang mag desisyon para sa sarili niya. Hindi pa rin niya kayang sumuway sa ama.
Susunod siya sa gusto ng Daddy niya. Marami namang pagkakataon na pwede siyang umalis sa bahay ni Miko na hindi na nalalaman pa ng kanyang ama. Buo na ang kanyang desisyon hindi siya titira sa bahay ni Miko. Hindi sila magsasama ng asawa sa iisang bubong.
"Bakit ganyan ang suot mo, para ka namang mamalengke!" Sita ng ama nang makita ang suot niya.
Pinili niyang isuot ang jagger pants niya na sadyang maluwag sa kanya at puting t-shirt na malaki rin sa kanya. Ganitong pormahan ang nauuso sa New York pag kaswal lang. Hindi niya alam kung bakit tila ayaw yata ng Daddy niya. Dahil ba hindi siya sexy at kaakit-akit ang datingan niya.
"Kumportable po ako dito Dad," tugon niya sa ama.
"Bahala ka na nga Patricia. Ako ginagawa ko ang lahat para sa iyo. Para sa ikabubuti mo, pero parang ikaw mismo ang nagnanais na masira ang lahat ng pinaghirapan ko," maktol ng ama sa kanya.
Hindi siya kumibo. Binalewala na lang niya ang sinabi nito. Ayaw na niya ng ano mang gulo o usapan pa na magkakagulo sa kanilang pamilya. Para sa katahimikan ng lahat susunod siya sa ama niya, pero may gagawin pa rin niya ang gusto niya.
Sumakay sila sa mamahaling SUV na pagmamay-ari ng Daddy niya. Mukhang mas lumakas ang negosyo ng ama mula ng ikasal siya kay Miko. Kung sa bagay nahatak ng mga de la Cerna ang negosyo ng pamilya niya kaya lumakas at lumaki pa. Iyon naman talaga ang plano ng Daddy niya kaya siya nito pinagkasundo kay Miko. Power and money.
"Patricia, ano man ang hindi niyo nagkakaintindihan ni Miko, ayusin niyo na. Dalawang taon na ang nasayang sa pagsasama niyo. Pilitin niyo nang maging maayos ang lahat sa inyo. Wala na rin naman kayong magagawa pa. Kasal na kayo, mag asawa na kayo," litanya ng Daddy niya.
"Opo Dad," tanging tugon niya.
Hindi na niya kinagulat nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang malaking gate kung saan may malaking bahay na dalawang palapag. Bakuran pa lang nagsusumigaw na ang karangyaan, paano pa kaya sa loob.
"Mag isa lang ang asawa mong nakatira rito, kaya tama lang na magsama na kayo," saad ng Daddy niya nang huminto ang sasakyan at bumaba ang driver na kasama nila para pagbuksan sila ng pintuan.
Hindi na niya nagawang sumagot sa ama dahil nauna na itong bumaba sa kanya. Isa pa paano naman niya sasabihin na baka diyan sa bahay na iyan dinadala ni Miko ang mga babae niya. Kaya imposibleng mag isa lang ito sa bahay na ito.
Isang middle age na babae ang sumalubong sa kanila. Binati pa sila nito at sinabing kanina pa daw naghihintay sa kanila si Vice Mayor.
Wow ah.. Hinihintay ba talaga sila ni Miko? Ano na naman kaya ang palabas ng magaling niyang asawa. Ito na naman ang bida sa mga mata ng Daddy niya, at siya ang pasaway na kontrabida.
Sumunod sila sa kasambahay papasok sa loob ng bahay. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa bahay ni Miko. Kung gaano kaganda at kalinis sa labas, ganoon rin sa loob ng bahay na halatang lahat ng gamit na naroon ay mamahalin.
Nagustuhan niya ang maganda at maaliwalas na bahay ni Miko. Elegante, halatang ginastusan at pinag isipang maayos ang lahat ng detalye sa loob at labas ng bahay. Para na nga itong mansyon.
"Good morning po, Dad, Patricia," masiglang bati ni Miko sa kanila ng Daddy niya habang pababa ito ng hagdan. Nakangiti ito at maaliwalas ang gwapong mukha. Kahit maaga pa fresh na fresh pa rin itong tignan. Naka puting t-shirt lang ito at walking short, pero ang lakas ng datingan nito. Paano naman niya pakikisamahan ang gwapong lalaking ito. Makakaya ba niyang makisama rito sa iisang bubong na hindi nahuhulog ang kanyang loob? Of course, hindi mahuhulog ang loob niya sa walang kwentang lalaking katulad ng asawa niya. Kung noon nanalo ito sa kanya, this time siya naman ang mananalo. Titiyakin niya ang panalo niya ngayon, at titiyakin niyang luluha ito sa pagkatalo.