“Nag-email ako sa’yo para ipaalam na darating ako ngayon. Sinabihan ko rin ang secretary mo na kailangan kitang makausap dahil pinapauwi na ako ni Daddy!” mariing tugon niya sa asawa. Kung galit ito sa pagdating niya, mas galit siya. “Damn it!” mura nito sabay diin ng pikit sa mga mata. Galit ito sa pagbabalik niya—dahil mapupurnada ang pambabae nito? Medyo nagulat siya sa asal ng asawa. Kung noon pa man ay magaspang na ito sa kanya, parang mas lalo pang naging magaspang ngayon. “Hindi mo ba nabasa ang email ko?” tanong niya. “Nabasa ko,” tugon nito. “Binalewala mo lang,” sabi niya. “Hindi rin naman kita mapipigilan umuwi kahit mag-reply pa ako sa’yo,” sabi nito. “Sina Mommy at Daddy ang nagpupumilit na umuwi na ako,” sabi niya. Humugot ito ng malalim na hininga. Tumaas ang malapad

