Kasalukuyan;
"Agad na tumayo ang Mommy at Daddy niya para salubungin ang bagong dating.
Napalunok siya at nanatili sa kanyang kinauupuan. Hindi pa niya nakikita si Miko dahil nakatalikod siya rito, pero kahit dalawang beses pa lang niya itong nakita ng personal at dalawang taon na ang nakakalipas, kabisado na niya ang tinig ni Miko, isama pa ang amoy ng cologne nito na kabisadong-kabisado na rin niya.
"Patricia, andito na ang asawa mo," narinig niyang saad ng Daddy niya habang nanatili siya sa kanyang kinauupuan at nakayuko.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Noon pa man ito ang lagi niyang nararamdaman kay Miko sa tuwing malapit ito sa kanya. Pero parang mas malakas ang kabog ng kanyang dibdib ngayon at mas mabilis ang t***k ng kanyng puso.
"Ah...," saad niya at nagtaas ng mukha. Ano mang kaba niya ay hindi na dapat mahalata ng mga kasama niya, lalo na si Miko.
Dalawang taon silang hindi nagkita ni Miko matapos ang kanilang kasal. Basta na lang siya iniwan ng kanyang asawa sa Villa kung saan sana sila nito mag a- honeymoon. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na ano kag Miko. Para sa kanya Vice Mayor Miko de la Cerna isa ruthless and cold-hearted. Kung may inanakit man siya kay Miko, hindi na niya dapat ipaalam pa sa lalaki iyon. Kung cold iro sa kanya dapat din siyang maging cold rito. Kung paano siya nito itrato dapat lang na ganon rin niya itrato ang asawa.
Confident siyang tumayo mula sa kinauupuan at lakas loob niyang liningon ang asawa niyang walang pakialam sa kanya sa loob ng dalawang taon.
Matamis siyang ngumiti nang magtama ang mga mata nila ng kanyang asawa. Hindi nakaligtas sa kanya ang tila pagka gulat ni Miko nang makita siya. Hindi niya alam kung bakit ito nagulat, kung dahil ba nasa harapan na siya nito ngayon o dahil nakangiti siya at mas naging blooming pa lalo sa pag stay niya sa New York ng dalawang taon.
Aware siyang malaki ang pinagbago niya sa pagtira niya sa New York. Mas gumanda ang kanyang kutis, mas lalo kasi siyang pumuti at kuminis roon. Hiyang siya sa klima sa ibang bansa. Mas gumanda siya iyon ang sa tingin niya, isama pang sa regular niyang mag e-exercise roon nagkaroon ng safe ang kanyang katawan. May hubog na ang kanyang katawan noong eighteen siya pero mas nagkahubog ngayon dahil sa kanyang pag-aalaga sa kanyang katawan.
"Hi," nakangiting bati niya sa asawa niya. Nakangiti siya rito. Hindi niya ipapakita sa asawa kung gaano kalungkot ang mamuhay mag isa sa ibang bansa, as in mag isa, wala ni isang kamag anak na kasama. Ano mang lungkot, pangungulila at sakit ang kanyang nararamdaman, hindi iyon malalaman ni Miko. Twenty years old na siya, she is strong now. Well, since noon pa naman strong na siya, pero mas naging strong siya sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
"Oh... Hello, my dear wife," nakangiting bati sa kajya ni Miko at agad na kinuha ang kanyang kamay para halikan iyon. Nagulat siya pero hindi niya pinahalata. Hindi niya pinagkait ang kamay rito. Hinayaan niyang halikan ng kanyang asawa ang kanyang kamay habang nakangiti siya. Naka plaster na ang pekeng ngiti sa kanyang labi.
"You look even more beautiful than before," nakangiting saad ng asawa niya.
"Salamat," pasalamat niya rito.
Sadya niyang mas pinaganda ang sarili dahil alam niyang magkikita at magkikita pa sila ulit ng asawa, at heto nangyari na nga. Kaharap na niya ngayon ang asawa niyang walang pakialam sa kanya, pinupuri siya nito ng todo, as if naman na t*nga siya para paniwalaan pa ito. Hindi na siya ang dating eighteen years old na t*ngang nagpakasal rito.
"Maupo na kayo para makakain na at makapag kwentuhan pa kayo," saas ng Daddy niya. Ramdam niya sa tinig ng ama ang excitement, ganon rin sa Mommy niya na kahit ang dami ng pagkain sa mesa natataranta pa ito sa pag utos sa mga kasambahay na maglabas pa ng pagkain. Isa lang naman ang bisita nila at hindi isang barangay, pero ang nakahain kakasya sa isang barangay. Ganya ang ka espesyal ang asawa niya sa mga magulang niya. Wala naman kasing idea ang mga magulang niya sa usapan nila ni Miko.
Nang maupo sila sa hapag katabi niya si Miko at katapat niya si Kate na pangiti-ngiti sa kanya. Habang ang Kuya Ariel naman niya katapat nito ang asawa niya.
Kung paano ang pagtrato ng Kuya niya kay Miko noon. at ganon pa rin ang trato ng Kuya niya rito hanggang ngayon. Hindi kasi sangayon ang kapatid sa pagpapakasal niya kay Miko.
Sa hapag kainan tahimik lang siya at halos ang Daddy at Mommy niya ang nakakausap ni Miko. Panay kasi ang tanong ng mga magulang niya rito, na para bang ito ang umalis ng bansa at hindi na nakasama pa ng mga ito. Samantalang siya ang dalawang taong nawala sa bayan nila.
"May plano na ba kayong magsama ni Patricia ngayong nakabalik na siya?" Nagulat siya sa tanong ng Daddy niya. Hindi niya inaasahan ang tanong nito kay Miko.
Pinandilatan niya ng mga mata ang ama nang sulyapan ito. Hindi naman siya nito pinansin at nagtuloy pa sa pag-uusisa kay Miko kung ano ang balak ng asawa niya sa kanya.
"Actually po, Dad," simula ni Miko. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nitong Dad sa Daddy niya. Sa gulat pa nga niya nabulunan siya sa kinakain niya.
"Kaya po ako nagpunta dito sa bahay niyo, para po sunduin na ang asawa ko," patuloy ni Miko sabay hawak pa nito sa kamay niyang nakapatong sa may mesa. Napapitlag pa siya pero hindi na lang niya pinahalata rito na may kakaibang epekto sa kanya ang paghawak nito sa kanyang kamay.
"Maganda iyang sinabi mo Miko. Dapat lang naman na magsama na kayo ni Patricia. Mag asawa na kayo," nakangiting saad ng Daddy niya.
Noon pa naman ganito na ang expected ng mga magulang niya ang mangyayari. Pero hindi nangyari dahil iba ang plano ni Miko sa kanilang pagsasama.
"Tama ang Daddy niyo, magsama na kayo para na rin makabuo na kayo ng pamilya,' nakangiting saad rin ng Mommy niya.
Sa kanilang anim na naroon tanging ang Kuya Ariel lang naman niya ang walang ekspresyon. Hindi ito ngumingiti o ano pa man. Blanko ang mukha nito. Hindi rin naman ito nakikialam sa usapan. Busy ito sa pagkain. Para ngang wala ito sa hapag kainan.
"Iyon ay kung papayag na po si Patricia na magsama na po kami sa iisang bubong," Miko said.
Kinabigla na naman niya ang pagpasa nito sa kanya sa usapan. Anong inaasahan nito na tatanggi siya at aayaw. Well, nagkakamali ito. Alam niyang ang nais nito ay siya ang umayaw sa pagsasama nila sa harapan ng kanyang mga magulang, para nga naman siya ang sisihin ma sumira sa pagsasama nila at hindi ito, kahit ang totoo ay ito ang sumira sa simula pa lang. Sadyang matalino nga si Miko, hindi na siya magtataka pa kung bakit gustong-gusto ito ng mga tao sa bayan nila.
"Bakit Patricia, ayaw mo bang tumira na sa bahay ng asawa mo?" Tanong ng Daddy niya sa kanya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at sinulyapan ang kamay niyang hawak pa rin ng asawa saka nalipat sa gwapong mukha nito.
Dalawang taon ang lumipas, dumagdag ng dalawang taon ang edad ni Miko, pero para sa kanya mas gwapo ito ngayon. Mas lumakas ang appeal nito. Kaya paniguradong maraming babae ang humahabol rito, isa na roon ang kasama nitong babae sa airport. Saan kaya nito iniwan ang babaeng kasama nito kanina.
"No, Dad. Don't worry, po. I'm ready now to start a family with Miko," nakangiting tugon niya sa ama at sinulyapan si Miko na nakatingin sa kanya. Nakangiti ito pero halata sa mga mata nito ang pagtataka. Marahil nagtataka ito sa kanyang sinasabi. Hindi lang niya iyon sinasabi. Dahil iyon ang totoo. Nais niyang asarin ang asawa, pikunin at galitin, para namaj kahit papano makaganti siya sa mga ginawa nito sa kanya.
Para siyang basura na basta na lang nito iniwan sa kung saan at pinatapon sa mga tauhan nito sa malayong lugar. Masakit na masakit para sa kanya ang bagay na iyon, pero nagawa niyang tiisin ang lahat ng pambabalewala sa kanya ng asawa. Ngayon kaya na niya itong harapin habang nakatago ang sakit. Mamamatay muna siya bago niya ipaalam sa asawa ang sakit na kanyang naramdaman noon, hanggang ngayon.
Pagkatapos ng dinner hindi na niya kinagulat pa ang pag anyaya sa kanya ni Miko na mag usap sila sa labas. Alam niyang ang pinag usapan nila sa hapag ang muli nilang pag uusapan nito. She is ready, handa na siyang harapin ang walang puso niyang asawa.
Sa may pool area sila nito nagtungo para mag usap. Maliwanag naman roon dahil may ilaw, isama pang bilog ang buwan kaya lalong lumiwanag sa buong paligid.
"What the h*ll are you doing here, Patricia? What the f*ck is this? Anong laro mo?" Mariing tanong nito sa kanya habang matalim ang mga matang nitong nakatingin sa kanya.