Chapter-9

1805 Words
Sa private resort kung saan ginanap ang kasal nila ni Miko ay doon na rin sila nag stay sa isang malaking Vilala roon pero silang dalawa lang ang naiwan, nag si alisan na ang mga bisita nila. "Magbihis ka na muna bago tayo mag usap," utos sa kanya ng asawa niya. Asawa na niya ito, pero hindi niya maramdaman. Mula pa simbahan malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Sa reception din ganon, lagi siya nitong iniiwan at nakikipag usap sa iba. Siya ang nahihiya para sa sarili niya, dahil pinagtitinginan siya ng mga staff na nag-aasikaso sa kanila. Para bang sinasadya nitong ipakita na hindi iro interesado sa kanya. Kung pwede nga lang siya umatras na aatras na siya, kaya lang kasal na sila. Tanging nagagawa na lang niya at ang tignan ang lalaking pinakasalan niya at magtaas ng ulo. Gaano man kasakit sa kanya ang pakikitungo nito ay hindi niya ipapakita sa asawa na nasasaktan siya. Hindi niya ito hahayaang maging masaya dahil nasasaktan siya nito. Ngayon nasa Villa na sila para sa kanilang unang gabi bilang mag asawa, pero mukhang iba ang gagawin nila. Imbes na mag honeymoon eh mag-uusap daw sila at tiyak na ang pag-uusapan nila ay ang mga plano nito sa kanya. Bago pa man din sila ikasal ni Miko sinabi na sa kanya ng asawa na walang honeymoon na mangyayari. Na hindi ma co- consummate ang kasal nila. Marahil ay natatakot itong mabuntis siya nito, dahil baka tuluyan na itong matali sa kanya. Tahimik siya umakyat ng hagdan para sa silid magbihis. Lulunukin na lang niya ang lahat ng sakit, basta ang mahalaga hindi niya iyon maipakita sa asawa. Hindi niya hahayaang manalo ito sa ganoong paraan. Nagbihis siya at sinadya niyang magsuot ng terni pajama. Iyon talaga ang dinala niya imbes na lingerie, baka kase isipin ng asawa niya eh inaakit niya ito. Alam niya kung saan ilulugar ang kanyang sarili. Pinulupot niya pataas sa kanyang ulo ang mahaba niyang buhok. Messy bun para makita ng asawa na wala din siyang effort, katulad ng ginagawa nito sa kanya. Pagbaba niya bihis na rin ito, hindi niya alam kung saan ito nagbihis, isa lang naman kasi ang silid sa Villa na iyon. Puting t-shirt ang suot nito at short. Nasa may mini bar ito at umiinom habang nakayuko at nakatingin sa cellphone nito. Inikot niya ang mga mata sa inis. Kahit sinong nasa kalagayan niya maiinis sa ganitong klaseng asawa. Sadya siyang lumikha ng ingay nang magtungo sa may sala, masyado kasing busy ang asawa niya sa cellphone nito ni hindi man nito namalayan ang pagbaba niya. Agad naman itong lumingon sa kanya. "Umiinom ka ba?" Tanong nito sa kanya at tinaas nito ang kopitang hawak. Saka nito tinignan ang suot niyang ternong pajama na malaki sa kanya at halos walang masilip na balat sa kanya, para siyang balot na balot. Lihim siya natuwa nang makitang tila ito dismayado dahil nga hindi lingerie ang suot niya. Sa asawa na rin naman nanggaling na walang honeymoon na magaganap, kaya pinaninindigan lang niya. "Yes," Pagsisinungaling niya. Hindi siya umiinom dahil mahigpit ang Kuya Ariel niya. Isa pa kaka eighteen pa lang niya at ni hindi pa siya nakapasok sa mga bar. "Good," tugon ni Miko sa kanya at tumayo ito mula sa kinauupuan. Nang lumakad palapit sa kanya ang asawa dalawang kopita na ang hawak nito at isang boteng ng alak na hindi niya alam kung anong klaseng alak iyon. Basta iinom siya para ipakita na malakas siya pero hindi niya hahayaang malasing ang sarili. "For my beautiful, wife," saad sa kanya ni Miko at iniabot ang kopitang may lamang alak. "Thanks," Pasalamat niya. Sadya niyang hindi na pinansin ang sinabi nitong beautiful wife. Kahit anong pambobola pa nito sa kanya hindi na uubra. Alam na niya ang tunay nitong agenda sa kanya. Naamoy pa lang niya ang alak para na siyang nasusuka, kaya naman inilayo na muna niya sa bibig ang kopitang hawak. "Ano nga pala ang sasabihin mo? Ano pa ang kailangan nating pag usapan?" Tanong niya sa asawa na enjoy sa pag inom ng alak. Halatang sanay na sanay ito pagdating sa alak. Kung sa bagay hindi na ito bata, bente singko na ito at isama pang Vice Mayor ito. "About us," tugon nito nang maubos ang laman ng kopita nito saka nilagyan muli ang kopita nito. "Napag usapan na natin iyan at sangayon naman na ko," tugon niya rito. "Yeah, I know, Patricia. Hindi ko lang nabanggit sa iyo na bukas na ng umaga ang alis mo patungong New York," saad sa kanya ng asawa. Sakto namang nasa bibig na niya ang alak nang magsalita ang asawa at sa kanyang gulat nailuwa niya ang alak sa bibig. Nagtalsikan ang alak at kumalat sa kung saan-saan pati na sa asawa. Umubu-ubo pa siya dahil may nalunok pa rin siyang alak at nalasaan niyang sobrang pait at nais pa niyang masuka pero pinigilan na lang baka sabihin ng asawa sa kanya na sobra siyang OA. "Are you ok?" Tanong ng asawa sa kanya. Tumango naman siya kahit umuubo pa. "Pakiulit nga ng sinabi mo?" She asked. "Bukas na ang alis mo ng bansa patungong New York," kaswal na tugon nito sa kanya na para bang normal lang rito ang sinabi nito. "Bukas agad? Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi pa nakahanda ang mga gamit ko," saad niya. "Huwag ka ng magdala pa ng mga gamit mo, pagdating mo doon pwede mong bilhin ang lahat ng kailangan mo gamit ang pera ko. Nakahanda na rin ang passport mo at one wat ticket. Wala ka ng aasikasuhin pa, lilipad ka na lang bukas ng umaga," litanya nito sa kanya. Napanganga siya. Mukhang nagmamadali na talaga itong mawala siya sa bayan nila para malaya na naman ito. "Pag nasa New York ka na Patricia, wala ka nang poproblemahin pa sa pera ako na ang bahala. Isa langa ng pakiusap ko sa iyo habang naroon ka," saad nito sa kanya. Kumunot ang noo niya. "Ano?" Tanong niya rito. "Hindi mo pwedeng ipaalam kahit kanino na kasal tayo. Itago mo ang wedding ring na iyan o di kaya itapon mo. Ikaw na ang bahala roon, Patricia basta wala dapat makaalam na asawa kita," tugon nito sa kanya. Bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib. Ganito pa talaga ang lalaking pinakasalan niya? Parang wala itong damdamin. Parang wala itong pakialam kahit masaktan nito ang damdamin niya. Masyado ito kung magsalita mapanakit ng husto. "I understand," tanging tugon niya. Hindi na siya magtatanong pa sa asawa, sasangayon na lang siya rito, tutal wala naman siyang magagawa para mabago ang desisyon nito. "Good," tugon sa kanya ng asawa. "Pagdating mo sa New York may tauhan akong sasalubong sa iyo, wala ka ring dapat sabihin sa kanya. Sumunod ka lang kung saan ka niya dalhin," saad pa nito. Tumango siya rito. "Huwag mo sanang isiping heartless ako, Patricia. Hindi ako heartless. Ginagawa ko ang tingin ko ay mas makakabuti para sa ating dalawa," Miko said. "I know," tugon niya. "Good girl. Mabait ako pag madaling kausap ang kausap ko at sumusunod sa akin. At ngayon pa lang Patricia sinasabi ko na sa iyo na hindi ako mabuting kalaban, kaya sana huwag kang magtangkang kalabanin ako," litanya nito sa kanya. "Wala kong planong sumuway sa gusto mo, Miko," agad niyang tugon sa asawa. Ngumiti ito sa kanya at tumango. "Cheers," Miko said sabay taas nito sa kopitang hawak. Ngumiti siya kahit papano at nakipag cheers rito saka sabay na ininom ang laman ng kanilang mga kopita. Hindi masarap ang alak para sa kanya. Mapait at masakit sa lalamunan, pero tiniis niya, katulad ng pagtitiis niya sa ugali ng kanyang asawa. Nang maubos ang laman ng kanyang kopita agad na siyang nagpaalam sa asawa para umakyat na ang magpahinga. Dinahilan niya ang maaga niyang flight bukas kaya naman pinagbigyan na siya ng asawa agad. "Goodnight, Patricia," Miko said. "Goodnight, Miko," saad niya at nagtuloy na sa pag akyat ng hagdan. Sa kalagitnaan ng hagdan huminto siya at sinulyapan si Miko na nakaupo pa rin at umiinom. Nasasaktan siya, masakit para sa kanya ang ganito. Para siyang basahan kung itrato ng sarili niyang asawa. Pero bakit wala siyang magawa? Naluluha siya pero agad niyang pinahid iyon sa kanyang kamay at nagtuloy na sa pag akyat. Hindi siya dapat umiyak. Sayang ang luha niya kung iiyakan niya ang asawa niya. Para sa kanyang walangkwentang lalake ang asawa niya. At siya naman ay isang malaking tanga. Pagpasok sa silid nahiga siya at tumitig sa kisame. Magulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang una niyang iisipin sa mga nangyayari sa kanya. Masyadong mabilis ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Mag isa lang siya, iyan ang pakiramdam niya. Siya lang mag isa ang humaharap sa lahat ng gulo sa kanyang isipan. "Ano ba ang dahilan at nangyayari sa akin ang ganito? Masama ba ko para dumating sa akin ang ganitong klase ng pagsubok?" Bulong niya sa sarili habang walang kurap na nakatitig sa kisame. Kinabukasan pag gising niya agad na siyang naligo at nagbihis. Ngayon na pala ang alis niya patungong New York. Wala ng makakapigil pa sa asawa niya. Matapos makaligo at makapagbihis bumaba na siya para maghanda na sa kanyang pag alis. Isang babae ang nadatnan niyang naglilinis sa may sala na agad bumati sa kanya nang makita siya. Ngumiti siya at binati rin ito. "Ipaghahanda ko na po kayo ng almusal Ma'am,' saad ng babae habang malikot ang mga mata niyang hinahanap ang asawa. "Mamaya na sabay na kami ng- I mean ni...," hindi niya alam kung paano itutuloy ang sasabihin. Kailangan kasi niyang maging maingat. "Ah.. Si Sir po ba? Mahimbing na po yata ang tulog niyo kagabi at hindi niyo na po namalayan ang pag alis ni Sir," saad ng babae sa kanya. "Ano?" Tanong na halos hindi man lumabas sa kanyang bibig. "Pagdating ko po dito kagabi umalis na rin po agad si Sir, binilin na lang niya kayo sa akin," tugon ng babae. Pakiramdam niya bigla siyang nanghina at para siyang matutumba sa ginawang ito ng kanyang asawa. "Huwag po kayong mag-alala Ma'am nariyan na rin po ang driver at tauhan ni Sir na maghahatid po sa inyo sa airport mamaya," saad pa ng babae sa kanya. Nagbukas siya ng bibig. Marami siyang nais itanong sa babae pero walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata, para siyang nahilo sa katotohanan na iniwan siya ng asawa sa Villa kagabi. At ngayon ipapatapon na siya sa ibang bansa at mga tauhan lang nito ang maghahatid sa kanya. Mukhang hindi na niya makikita pa ang asawa sa kanyang pag alis. Mukhang ang pag-uusap nila kagabi ang huli na nilang pag-uusap at pagkikita. Para bang napakawala naman niyang kwenta para sa asawa at ganun na lang kung ibasura siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD