Wedding Day.
Makalipas ang dalawang linggo naitakda na ang araw ng kasal nila ni Miko at sa loob ng dalawang linggong iyon hindi man lang nagpakita sa kanya si Miko. Naka graduate na siya lahat-lahat pero hindi man niya nasilayan muli ang lalaking pakakasalan niya. Walang tawag, message o ano man, as ina wala talaga. Kung sa bagay ano pa nga ba ang aasahan niya kay Miko. Pinaalam naman na nito sa kanya na ikakasal lang sila sa papel.
Garden Wedding ang napiling set up sa kasal nila ni Miko, hindi naman sila ni Miko ang ang decide dahil nga hindi naman sila nagkikita nito kaya pinaubayan na niya ang lahat sa Mommy niya at sa Mama ni Miko. Exclusive ang kasal tanging silang pamilya lang ang naroon wala ng iba. Walang ka businesd partner, walang kaibigan, wala ring kamag anak, as in silang dalawang pamilya lang. Iyon daw kasi ang gusto ni Miko sa simula pa lang at sumangayon naman na siya para wala ng gulo pa. Nais na rin naman niyang matapos na ito at nang malaman na niya kung ano na ang susunod na mangyayari sa kanya pagkatapos ng kasal.
Kaibigan ng pamilya ni Miko ang pari na magkakasal sa kanila. May wedding gown naman siya at naayusan siya ng tama, pero para namang hindi siya ikakasal dahil ni hindi man niya maramdaman ang groom. Sabi nila bawal magkita ang mga ikakasal bago ang kasal, pero sila ni Miko matapos ng pamamanhikan at unang pagkikita nila eh hindi na sila nagkita pa muli at heto na ang araw ng kanilang araw at baka hindi pa rin sila nito magkita.
"Napakaganda mo naman Ate," puri sa kanya ni Kate nang matapos siyang maayusan at naghihintay na lang kung kailan siya palalabasin ng silid kung saan siya inayusan.
"Salamat. Ikaw din napakaganda mo," pasalamat niya sa kapatid.
"Ate Patricia pwede ko bang mahiram iyang wedding gown mo pag ako naman ang ikinasal?' Tanong nito habang hinahaplos ang suot niyang gown.
"Matagal pang mangyayari iyon, Kate at tiyak na mas maganda pa rito ang wedding gown na isusuot mo pag ikaw naman ang ikakasal," tugon niya sa kapatid.
"Sino naman kaya ang pipiliin nina Mommy at Daddy para sa akin," saad nito.
"Kate, hindi sila ang pipili para sa iyo, ikaw at iyung mahal mo dapat," tugon niya sa kapatid. Baka kasi isipin nito na normal ang ganitong set up na ipapakasal siya ng mga magulang sa napili ng mga ito.
"Eh bakit ikaw sila ang pumili para sa iyo at sa totoo lang the best pa ang napili nila para sa iyo Ate. Akalain mo iyon crush ng bayan si Vice Mayor Miko tapos magiging asawa mo na. Grabeng plot twist iyon Ate nakaka inggit ka," litanya nito sa kanya.
Nagkibit balikat na lang siya sa kapatid. Masyado pa itong bata kaya hindi pa nito maintindihan ang mga nangyayari. Hindi rin naman niya maipapaliwanag rito ng basta na lang dahil nga maguguluhan lang ito.
Hindi na rin nagtagal tinawag na siya para lumabas ng silid. Kabado siya, kumakabog ang kanyang dibdib. Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Pero iisa ang sigurado siya takot siya. Takot siya dahil pagkatapos nito mamumuhay na siya mag isa. Pumayag siya dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya.
Sa ikalawang pagkakataon nasilayan niya ang gwapong mukha ni Miko. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Nakatayo ito malapit sa may altar at hinihintay siya nito. Ang Daddy niya ang kasama niyang naglalakad palapit sa altar.
Wala siyang makitang emosyon sa mukha ni Miko. Nakangiti ito pero alam niyang peke ang ngiti ito. Gwapo pa man din ito sa suot nitong tuxedo. Groom na groom ang dating nito. Perfect groom na sana kung hindi lang niya alam ang agenda nito after ng kasal nila.
Habang nakatingin siya kay Miko mas lali niyang nare realize kung gaano ito kagwapo at sobrang lakas din ng s*x appeal nito. Hindi na siya magtataka pa kung bakit ayaw pa nitong matali sa kanya, tiyak naman kasi na maraming babaing naghahabol rito at tiyak lahat magaganda. Nanghihinayang marahil ito sa mga babaing makakasiping pa nito.
Napahugot siya ng malalim na paghinga sa kanyang naisip. Para siyang nawalan ng gana kay Miko.
"Are you ok, anak?" Tanong ng Daddy niya na napansin ang pagbuntong hininga niya.
"Yes po, Dad," tugon niya sa ama.
Pagdating sa altar nagmano si Miko sa Daddy niya at iniabot ng ama ang kanyang kamay kay Miko.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang hawakan ni Miko ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang makaramdam ng kakaiba sa tuwing nasa harapan niya si Miko. Sadyang mas gwapo pala ang lalaking papakasalan niya pag malapitan. Malinis na malinis, mabango pero iba ang ugali.
Pakiramdam niya hindi siya humihinga nang lumakad sila ni Miko na hawak pa rin nito ang kanyang kamay para lumapit na sa pari at simulan na ang kanilang kasal.
Ok lang naman kahit walang ibang saksi maliban sa kanilang mga pamilya. Ang mahalaga naman nariyan ang mga taong mahalaga sa kanya.
Ilang beses niyang nahuli si Miko na nakatingin sa kanya habang nagsasalita ang pari sa kanilang harapan. Baka napansin na nito ang kanyang ganda. Maganda naman kasi siya dahil bumagay sa kanya ang kanyang wedding gown, isama pa ang kanyang simpleng make up na tila nagsasabing virgin bride siya. Sayang naman ang pagiging virgin bride niya kung wala man silang honeymoon ni Miko.
Halos sumabog naman ang kanyang dibdib nang sabihin ng pari na pwede na siyang halikan ni Miko. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang itaas nito ang kanyang belo para halikan na siya nito. Inihanda naman niya ang kanyang sarili kahit sobrang kabado siya.
Pinikit niya ang kanyang mga mata para unang halik sa kanyang buhay. Ganon na lamang ang pagka dismaya niya ng sa pisngi lang siya hinalikan ni Miko. Sadyang napakalayo sa kanyang labi, na para bang hindi nito nais na madikit ang labi nito sa labi niya. Dismayado man hindi na lang siya nag reklamo pa. Alam naman niya kung saan siya lulugar. Tanggapin na lang niya ano man ang mangyari sa kanya ngayon.