"What's wrong? Bakit parang gulat na gulat ka nang makita mo ko kanina?" Tanong ni Miko sa kanya nang pauwi na sila sa bahay. "Ah... Eh..," paano ba niya ipapaliwanag sa asawa ang naging usapan nila ng Mommy niya. Kung bakit naman kasi iyon pa ang naging topic nilang mag ina. "May nangyari ba?' Usisa pa rin ng asawa sa kanya. "Ah... Wala naman," maiksing tugon niya. "Kayo ni Daddy anong pinag-usapan niyo?" She asked. "Wala naman about pulitika lang at sa naging utang niya sa banko na paid na ngayon," tugon sa kanya ni Miko. Sinulyapan niya ang asawa bahagyang ngumiti nang sulyapan siya nito ng mabilisan dahil nagmamaneho ito. "Salamat, Miko. Maraming salamat sa tulong mo," pasalamat niya sa asawa. "Wala iyon. Kesa naman sa hayaan ko ang asawa ko na mamoblema pa. Kaya ko namang ibi