"Are you ok?" Tanong sa kanya ni Miko nang makauwi na sila sa bahay matapos ang pag stop nila sa kalsada para gawin ang ganoong bagay. Hindi pa rin siya makapaniwala na umabot na sila ni Miko sa bagay na tanging mag asawa lamang ang dapat gumawa. Although mag asawa naman sila ni Miko, pero kakaiba kasi ang uri ng kanilang pagsasama, kaya parang nakakabigla pa rin sa part niya na pumayag na siya at hindi man sinuway si Miko kanina. Actually, kaya niyang pigilan si Miko kung gusto niya, pero hindi niya ginawa. Paano ba niya mapipigilan ang kanyang sariling katawan na nasarapan at nalunod na agad kay Miko. Pagdating sa ganoong bagay mahirap kalabanin ang kanyang sarili. Kahit pa paulit-ulit siyang bumulong na ayaw niya, may sariling isip naman ang kanyang katawan na nagpapaubaya sa asawa. "A