Makalipas ang isang linggo kapwa sila naging busy ni Mikel sa kani-kanilang mga personal na gawain. Siya sa pag-aaral dahil nalalapit na ang exam nila marami na naman silang mga project. Si Mikel naman sa kaliwa't kanan na trabaho nito sa negosyo at sa pagiging Congressman nito. Sa sobrang busy nga nila nito ay halos hindi na sila nakakapag usap pa, hindi na rin kasi sila nagkakasabay sa pagkain. Minsan siya ang unang aalis ng bahay at minsan si Mikel naman. Sa gabi naman si Mikel ang laging late sa pag uwi. Hindi naman sila nag-iiwasan, sadyang nagkakataon lang na hindi sila nito magkita kahit sa iisang bahay lang sila nito. Kahit naman busy siya sa pag-aaral niya araw-araw pa rin siya bumisita sa mga kapatid niya, para alamin ang kalagayan ng mga ito. Ok naman ang mga ito, masaya at mas

