"Baka naman wala ka na naman this coming weekend at sabihin mong busy ka,' may tampo sa tinig ng Mama niya nang tawagan siya nito para sabihing may dinner party sa bahay nila this weekend. Last weekend hindi siya nakapasyal sa bahay ng mga magulang niya dahil kasama niya si Liyah nagtungo sila sa Maynila and now wala na siyang lusot pa at paniguradong magtatampo na ang Mommy niya once na hindi pa rin siya umattend ng dinner party. "Darating ang mga pinsan mo kasama ang mga asawa nila, much better na pumunta ka at magsama na rin ng ka date mo para naman makilatis na namin ng Papa mo," saad ng Mama niya. "Ma, wala pa naman po ako sa ganoong klase ng status ng relationship kina Mark at Miko. They are both happily married,' he said. "Kaya nga, ano pa ang hinihintay mo, Mikel twenty five ka

