Pagkatapos ng klase agad na siyang lumabas ng classroom para agad na ring makalabas ng campus, baka kase nasa labas na si Miko at naghihintay na sa kanya. Kanina pa nga siya excited na makita ang asawa. Ngayong maayos na sila ng asawa parang bigla niya ito na miss agad. "Patricia," tawag sa kanya habang nagmamadali siyang lumabas ng gate ng campus. Lumingon siya at nakita ang lalaking nagpakilalang Kyle sa kanya kanina na kaklase rin niya sa ilang subject niya. Medyo na bo-bother nga siya sa lalake dahil may pagka makulit ito, kahit panay na ang iwas niya rito. "Pwede ba tayong sabay lumabas," saad nito sa kanya at ngumiti. Gwapo naman may pagka weird lang ang dating dahil parang stalker, creepy. "I'm sorry, Kyle nagmamadali kasi ako," saad niya at lalo pang binilisan ang paglalakad par