"Pwede ba Mikel huwag mo na kong pinagloloko! Aminin mo na kase na totohanan na iyang feelings mo kay Liyah, kaya hindi mo na siya kayang itago pa sa publiko sa takot na baka may lumapit pang iba sa kanya," Kristof said. Hindi na siya nagtaka pa nang bigla na lang ang pagsulpot ni Kristof sa opisina niya sa kongreso. Kalat na kasi ang social media ang tungkol sa kanila ni Liyah, maraming mga larawan ang kumakalat ngayon. "Nagpunta ka pa talaga rito para sabihin sa akin iyang maling akala mo," iling ulong tugon niya sa kaibigan. Kanina kung anu-ano sinasabi sa kanya si Kristof about his true feelings daw kay Liyah at todo tanggi naman siya, dahil hindi wala naman siyang feelings sa dalaga. Yes, maraming kakaibang nangyayari sa kanila ni Liyah, maraming bago sa kanya ang ginagawa niya par

