"Mikel... magpapaliwanag ako," nagawa niyang sabihin kahit takot na takot siya rito. Masamang tingin ang pinukol ni Mikel sa kanya bilang tugon nito at mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan nito. Kinapa niya ang set belt para isuot bilang proteksyon kung sakaling ma aksidente sila nito. Pasimple pa niyang sinulyapan si Kenzo na nakatayo pa rin sa tabi ng sasakyan nito at nakatingin sa sinasakyan nila ni Mikel. Mali ang ginawa niya, siya ang may kasalanan ng lahat ng ito at nadadamay pa tuloy si Kenzo na wala namang kasalanan at naging mabuti lang naman sa kanya sa buong gabi. Buong party hindi na siya nilapitan pa nina Jade at Evie, sinubukan pa nga niyang lapitan ang dalawa para sana yayahin ng umuwi pero hindi man siya pinansin ng mga ito. Nakainom na rin ang mga ito kaya marahil hin

