Mas pinili niyang umuwi na lang kahit abutin pa siya ng madaling araw sa kalsada dahil sa mahabang biyahe, ang mahalaga masilayan niya ang magandang mukha ni Liyah bago siya matulog. Nasa San Juan na siya nang maisipan niyang tawagan ang dalaga at susunduin na lang niya ito sa bahay ng mga kapatid nito. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit tila hindi niya nais na nasa malayo siya kay Liyah, iyung tipong hindi niya ito nakikita. Kanina pa sa meeting umiikot ang kanyang pwet at nais ng matapos ang meeting para makauwi na siya at makasama si Liyah. Buong araw walang laman ang isip niya kundi si Liyah, na para bang mababaliw siya kung hindi niya ito makikita. Kanina pa nga niya nais tawagan ang dalaga pinipigilan lang niya ang sarili dahil baka kung ano na ang isipin ni Liyah sa kanya, bak

