Mabuti na lang pala at nakilala niya si Kenzo sa frat party kahit papano may nakasama siya at hindi siya na OP. Ang dalawang kaibigan kasi niya na kasama niyang nagpunta sa frat party ay bigla na lang nawala at hindi na niya mahagilap pa. Kaya nga siya umattend kahit na ayaw naman talaga niya ay para sa mga kaibigan niya na bigla na lang siyang iniwan. Sinuway pa niya si Mikel at pinagdarasal niyang hindi malaman ni Mikel ang pag alis niya, kung hindi malalagot talaga siya. "So, Liyah are you aware of the rumors between you and the mystery guy na sinasabi nilang si Congressman de la Cerna?" Kenzo asked her na kinagulat niya. Ang alam niya nakakahalata na sina Evie at Jade sa kanya na may tinatago siya at na li-link nga si Congressman sa kanya, pero wala siyang idea na umabot na pala ang

