Pagdating sa frat house sa loob ng isang kilalang subdivision sa bayan nila, mabuti na lang at hindi ang mga de la Cerna ang nagmamay-ari sa subdivision baka matakot siyang mag attend dahil tiyak na mahuhuli siya ni Mikel. Sa pag attend nga niya rito hindi rin siya sigurado kung hindi nga ba siya mabubuko ni Mikel sa kasinungalingan niya para lang maka attend ng frat party. Malaki ang bahay na may dalawang palapag moderno at halatang may kaya ang nakatira, kung sa bagay hindi naman a-attend sina Evie and Jade kung hindi mayaman na katulad ng mga ito ang may party. Sa gilid pa lang ng kalsada sa labas ng gate ng malaking bahay puno na ng mga sasakyan, mukhang lahat ng umattend nakasasakyan. Kung hindi pa siya inampon ni Mikel baka hindi siya maka attend ng party kahit anong pilit sa kanya

