"Where's your wife?' Tanong ni Emily sa kanya nang puntahan ito at si Kristof sa may beach. Nagiinuman na pala ang dalawa at hindi pa naliligo. "She is tired, nagpapahinga lang," tugon niya kay Emily. "Baka buntis na," Emily said. Tinaas lang niya ang kanyang kilay bilang tugon sa kaibigan. Walang kaso sa kanya kung mabuntis na si Liyah, mag asawa na sila at handa na siya sa ano mang obligasyon. Mahal niya si Liyah kaya paninindigan niya ito, at masaya siyang makakabuo na sila nito ng isang pamilya. Hindi naman nakakapagtaka pa kung mabuntis na niya si Liyah, sa tuwing nagsisiping sila ng asawa ay wala naman siyang proteksyon na ginagamit, hindi lang siya sigurado kung ang asawa ay gumagamit ng proteksyon. He is hoping na hindi, para makabuo na sila at wala na talagang kawala pa sa kan

