Kanina pa siya nakasulyap sa may bintana at pinapanood ang kaganapan sa may beach kung saan naliligo si Emily sa dagat habang ang asawa niya at si Kristof ay nakaupo at masayang nag-uusap, kung ano ang pinag-uusapan ng dalaga wala siyang idea, pero mas napapansin niya ang panay ang sulyap ni Emily sa asawa niya. "Bakit naman kasi pumayag si Mikel na mag stay pa ang dalawa sa isla," inis niyang bulong ang mga mata ay kay Emily nakatuon. Maganda si Emily, at sexy iyung tipong babaing palaban sa lahat ng bagay, at tipong hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nito. Sa nakikita niya walang namamagitan kag Kristof at kay Emily. Ayaw niyang mag isip ng masama sa asawa niya, pero baka sinadya ni Emily ang asawa niya rito sa isla. Sa pagkakaalam niya alam ni Kristof ang set up nila ni M

