"Mauna ka na magbibihis lang ako saglit para makaligo rin sa dagat," saad niya kay Kristof matapos makapaglabas ng alak na iinumin nila sa tabing dagat, nagpahanda na rin siya ng pagkain para sa kanila. Mabuti na lang at nariyan pa ang mga staff at may mag-aasikaso sa kanila. Bukas pa lang din ang alis ng mga staff kasabay nina Kristof at Emily para naman maghanda pa ng pagkain para sa kanila. "Sige na ako na ang bahala," Kristof said. "Bilisan mo lang at baka magsabunutan na ang dalawa,' biro pa nito. "Hindi mangyayari iyon,' he said. "Nagsisimula na ang war ng dalawa pansin ko sa bawat tinginan nila, halata naman sa asawa mo na nagtatago lang ng inis, at ayaw masabihan na nagseselos, pero basahin mo ang body language niya, selos na selos na siya kay Emily," litanya ng kaibigan sa kan

