"Pasensya ka na Andrie wala kasi akong ibang mapuntahan. Buti na lang ay inabutan kita rito," saad niya sa kaibigan na si Andrie.
Sa restaurant ng kaibigan niyang si Andrie siya nagpunta nang makalabas ng bahay ni Miko. Hindi naman siya lalayo o tatakas sa asawa niya. Ayaw niya ng gulo. Ang nais lang niya ay may makausap dahil baka mabaliw na siya sa dami ng kanyang iniisip at gumugulo sa kanyang isip. Hindi na niya alam kung ano ba ang tamang gawin sa kanyang sitwasyon.
Hindi rin siya nagtungo sa restaurant ni Andrie para ipaalam ang relasyon niya kay Vice Mayor Miko. Hindi pa rin niya pwedeng ipaalam ang tungkol sa bagay na iyon sa ibang tao. Hindi rin niya nais sabihin pa para makaiwas na lang din sa paliwanag.
"It's ok, masaya nga ako Patricia at sa akin mo naisipang magpunta," nakangiting tugon ng kaibigan sa kanya habang nakaupo sila at naghihintay ng pagkain sa kanilang mesa loob ng restaurant na ito mismo ang nagmamay-ari at nagma-manage.
Mas may edad sa kanya si Andrie, pero naging close niya ito noong High-school siya at nasa college naman na ito. Ilang bahay lang kasi ang layo ng bahay ng mga ito sa bahay nila. Para itong naging Kuya sa kanya nang mga panahong iyon, hanggang sa umalis siya ng San Juan at magtungo sa New York walang nagbago sa pagkakaibigan nila ni Andrie. Lagi silang nagkakausap o di kaya magka chat para makumusta ang isat-isa. Kaya alam niya kung saan ito pupuntahan sa ganitong araw at oras. Isang negosyante si Andrie at isa lang sa limang restaurant nito ang kinaroroonan nila ngayon. Sa may labas ito ng malaking mall sa bayan ng San Juan, sikat ang restaurant ni Andrie lalo na sa mga kabataan at mga kababaihan. Paano ba naman may gwapong owner na pwedeng masilayan at makausap sa tuwing kakakain ka.
"Bakit parang biglaan yata ang pag uwi mo? Noong nagka usap kasi tayo wala ka namang nabanggit sa akin na uuwi ka ng San Juan," Usisa nito sa kanya.
"Ah.. Eh..," simula niya. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot rito. Buti na lang at lumapit ang waiter na may dala sa pagkaing inorder ni Andrie para sa kanya.
Hindi na siya tumanggi pa nang mag offer ng pagkain si Andrie sa kanya. Gutom din kasi siya dahil pinanindigan niyang hindi kumain kanina sa bahay ni Miko kahit anong pilit sa kanya ng mga kasambahay na kumain siya, hindi siya kumain. Hunger strike ang atake niya para makonsensya naman ang asawa niya na makasarili. Wala itong ibang iniisip kung di ang sarili lang nito. May pa mine, mine pa itong sinasabi sa kanya, as if naman na pagmamay-ari siya nito. Kung makasabi ito na pagmamay-ari siya nito at kailangan niyang sumunod rito ay para namang may pakialam talaga ito sa kanya, eh balewala lang naman siya rito.
"Salamat," pasalamat niya sa waiter nang mailapag na ang mga pagkain sa mesa nila. Agad kumalam ang sikmura niya nang makita ang ibat-ibang breakfast foods and fruits sa harapan niya.
"Kumain ka na muna, mukhang hindi ka pa nakakapag almusal," Andrie said.
"Ah.. Sa totoo niyan Andrie, hindi pa nga ako kumakain," malungkot niyang saad sa kaibigan.
"Kumain ka na, para naman mabuhayan ka na," nakangiting saad nito sa kanya at dinampot ang tasa na may blank coffee.
"Sabayan mo na ko," she said.
"Ok na ko sa coffee," Andrie answered at linapit pa sa kanya ang iba pang pagkain.
"Hindi ko naman mauubos ito," she said at sinimulan nang kumain.
"Ok lang kahit maubos mo pa iyan, pwede ka pang mag order ulit, it's my treat,' saad niti sa kanya. Ngumiti siya sa kaibigan na hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.
Noon pa man palangiti na si Andrie lalo na sa mga babaing type nito. Kaya nga magaan ang loob niya sa kaibigan, maaliwalas kasi ang mukha nito. Gwapo rin ito at habulin ng mga chicks noon at paniguradong hanggang ngayon. Sa pagkakaalam niya walang ka relasyon ang kaibigan ngayon. Well, iyon ang sabi nito. Anong malay niya baka inililihim lang naman nito sa kanya. Katulad niya may asawa na siya, dalawang taon na siyang kasal sa Vice Mayor ng kanilang bayan, pero hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam na ibang tao tungkol sa bagay na iyon.
Habang kumakain sila nagkukumustahan na rin silang magkaibigan, kahit pa halos araw-araw naman silang magkausap nito. Isa si Andrie sa naging sandalan niya at lakas noong nasa New York siya. Tinatawagan niya ang kaibigan pag malungkot siya at nais niya ng makakausap. Kahit pa na hindi niya nasasabi rito ang totoong kalagayan niya.
"Pwede kitang samahan mag audition sa modeling agency ng kaibigan ko sa Manila, kung gusto mo nang simulan ang career mo as a model dito sa Pilipinas," seryosong saad ni Andrie sa kanya nang kumustahin nito ang sideline niyang modeling sa New York.
Napangiti siya at nabuhayan ng loob. Gusto kasi niyang maipagpatuloy ang passion niya sa pag mo-modelo at mukhang si Andrie na rin ang sagot.
"Talaga, tutulungan mo ko?' Excited niyang tanong sa kaibigan.
"Yes, sabihin mo lang kung kailan mo gustong magpunta ng Manila para makapag audition ka na," Andrie answered.
"Sige, promise mo iya ah," she said.
"Yes, Patricia," Andrie answered.
Nabura ang ngiti niya sa labi at nabitin sa ere ang kanyang pagsubo nang makilala ang lalaking papasok sa loob ng restaurant. Napalunok siya at hindi malaman ang gagawin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan ng makapasok si Miko sa loob ng restaurant at nakatingin ito sa kanya.
Kumabog ang kanyang dibdib sa takot sa asawa. Galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi niya sinasadyang mabitiwan ang hawak na kubyertos na lumikha ng ingay.
"Patricia, are you ok?" Tanong ni Andrie sa kanya. Hindi pa nito nakikita ang tinitignan niya dahil nakatalikod si Andrie sa asawa niyang papalapit sa mesa nila.
"Patricia!" Mariing tawag ni Miko sa kanya nang makalapit na ito sa mesa nila. Huminto ito sa tapat ng mesa nila na agad umagaw ng atensyon kay Andrie.
"Vice Mayor," nakilala ito agad ni Andrie. Maliit lang ang bayan nila kaya lahat kakilala si Miko dahil nga Vice Mayor ito.
Tumayo pa si Andrie para batiin si Miko na nakatingin sa kanya. Galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pakiramdam naman niya hindi siya humihinga habang nakatingin sa galit na mga mata ni Miko.
"Maganda araw po Mr. Vice Mayor," magalang na bati ni Andrie kay Miko.
Hindi binati ni Miko si Andrie, ni hindi rin nito sinulyapan ang kaibigan niya. Sinulyapan naman siya ni Andrie na puno ng tanong ang mga mata nito.
"Let's go!" Mariing saad ni Miko sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa kamay niyang nasa mesa. Nagulat siya at nasaktan, pero hindi na lang nag reklamo pa. Sasama na lang siya ng kusa kay Miko para wala ng gulo. Hindi niya nais may madamay na ibang tao sa gulo nilang mag asawa.
"I'm sorry, Andrie,' paumanhin niya sa kaibigan nang tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinila ang bag niya. Hindi naman siya binitiwan ng asawa na lalo pang humigpit ang hawak sa kamay niya. Ramdam niyang tila nakabaon na ang mga daliri nito sa kanyang balat.
"I said, let's go, Patricia!' Mariing saad ni Miko na lalo niyang kinatakot. Bago pa siya makapag paalam muli sa kaibigan marahas nang hinila ni Miko ang kanyang kamay, napatili pa siya ng mabigla.
"Patricia," tawag sa kanya ni Andrie. Wala siyang nagawa nang halos kaladkarin na siya ni Miko palabas ng restaurant. Wala pang customer nang mga oras na iyon pero may mga staff na si Andrie na nakasunod ng tingin sa kanila ni Miko. Kung si Andrie nga nakilala nito si Miko bilang Vice Mayor ng bayan nila, walang duda na nakilala din ng mga staff nito si Miko.
"Miko, nasasaktan ako," bulong niya rito habang hila-hila pa rin siya nito. Malalaki ang mga hakbang nito hindi naman siya ganun kalaki para makasunod rito agad, isama pa ang mahigpit na hawak nito sa kanya na halata namang sinasaktan siya nito.
Napa aray siya nang malakas siyang itulak ni Miko sa kotse nito. Tumama kasi ang braso niya sa pintuan ng sasakyan at nasaktan naman talaga siya.
"Sakay!" Utos nito sa kanya.
May mga tao na sa paligid at may nakakapansin na sa kanila ni Miko kaya naman imbes na mag reklamo at awayin ang asawa kusa na siyang sumakay sa passenger seat.
Pag upo niya sa passenger seat tiningala niya ang asawa na galit na galit pa rin ang mukha. Gwap pa naman nito kaya lang galit.
Napapitlag siya nang malakas nitong sinara ang pintuan ng kotse, saka ito umikot sa may driver seat.
Napalunok siya nang maupo na sa driver seat ang asawa at buhayin ang makina. Wala itong kibo. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito, kung bakit parang galit na galit ito sa kanya. Hindi naman siya tatakas. Nais lang niyang magpahangin at makahinga man lang kahit sandali.