Chapter-17

1711 Words
"Anong hindi mo naintindihan, Patricia sa sinabi ko sa iyong huwag kang lalabas ng bahay?!" Galit na tanong sa kanya ni Miko nang makapasok na sila nito sa loob ng bahay. Akala nga niya kanina hindi sila aabot nito sa bahay dahil sa sobrang bilis nitong magpatakbo ng sasakyan, halos salubungin na nga nito ang ibang sasakyan sa sobrang bilis nito magpatakbo. Pasalamat pa rin siya at ligtas silang nakauwi nito. "Hindi naman pwedeng magmukmok na lang ako rito sa bahay ko Miko! Ang pagpunta ko nga rito ay against my will, tapos ikukulong mo pa ko!" Matapang niyang tugon rito. Napansin niyang mabilis na nagsi alisan ang mga kasambahay na kanina ay nasa sala. Marahil dahil sa sigawan nila ni Miko. Tiyak na isa sa mga kasambahay ang nagsumbong sa asawa niya na umalis siya ng bahay, kaya nahanap siya nito na halos wala pa nga siyang isang oras mula ng lumabas. "You know the rules, Patricia! Hindi ka pwedeng basta na lang makikita kung saan lalo na't may kasama kang ibang lalake!" Galit nitong saad sa kanya. "Kaibigan ko si Andrie!' Mariing saad niya rito. "Kahit kaibigan mo siya, lalaki pa rin siya Patricia!" Mariin at galit nitong saad sa kanya. Nagtaas siya ng kilay rito at pinagsalikop ang mga kamay sa kanyang dibdib. Napansin niyang masakit pa rin ang kanyang braso na tumama sa pintuan ng kotse kanina. Isama pang nakadagdag pa sa sakit ang mahigpit na hawak ng asawa sa kanya kanina. Ang kilos ni Miko ay masasabi niyang normal sa isang lalake na makita ang asawa nitong may kasamang ibang babae. Normal ang magselos pag mahal mo. Pero hindi siya mahal ni Miko, kaya hindi valid na magselos ito sa kay Andrie kanina. Power tripping lang ito panigurado dahil malakas itong mang trip, at napaka OA nito para sa kanya. Kung maka asta akala mo nasaktan ang damdamin nito dahil may kasama siyang ibang lalake sa restaurant. "Huwag mong dalhin dito sa bayan na ito na halos pagmamay-ari na ng pamilya ko ang ano mang ginagawa mo sa New York! Bigyan mo ng kahihiyan ang mga magulang mo Patricia!' Galit nitong hiyaw sa kanya. "Ano bang-" Hindi na niya tinuloy ang nais pang sabihin rito, tiyak naman kasing hindi siya nito pakikinggan. Kung makasigaw pa ito sa kanya para bang ang sama niyang tao, parang ang sama-sama niyang babae. Lumabas lang naman siya para magpahangin at humanap ng makakausap. Wala siyang ginagawang masama. "From now on, Patricia, you listen to me!" Mariing saad nito sa kanya sabay hakbang palapit sa kanya saka nito sinaklit ang kanyang brasong nasaktan na nga niti kanina. "Ah! Aray! Nasasaktan ako Miko!" Hiyaw niya. Masakit namaj talaga at hindi siya umaarte lang. "Hindi ka lalabas ng bahay without my permission at hindi ka makikipagkita kahit kaninong lalake, mapa kaibigan mo pa iyan o ano! And katulad ng sinabi ko sa iyo kaninang umaga Patricia. You are mine. Asawa kita. Akin ka!" Mariing saad nito sa kanya. Nanunuot ang bawat salita nito sa kanyang buong katawan. Lalo na ang mga huling salita nito na nagbigay ng kilabot at init sa kanyang buong katawan. Hindi siya nakatugon rito, nakatingin lang siya sa mga mata nitong galit na nakatingin sa kanya, na para bang ang laki ng kanyang kasalanan. Na para bang nagtaksil na siya eh ito naman ang taksil sa kanilang dalawa. Ito naman ang walang respeto sa kanilang kasal. Dahil habang wala siya at nasa New York, kung sinu-sinong babae ang kasama nito. Katulad na lang ng babaing kasama nito sa airport kahapon. "Bitiwan mo ko Miko!" Asik niya rito at pilit na binabawi ang kanyang braso rito na mahigpit nitong hawak. Masakit na iyon kanina at lalo pang sumakit ngayon. "Ano ba nasasaktan ako!" Asik pa niya dahil hindi siya nito binibitiwan. Nakatingin lang ito sa kanya habang nanlalaban siya. Sa bawat panlalaban kasi niya hindi sinasadyang nabubunggo ang kanyang dibdib sa matigas nitong dibdib. Hindi siya sure kung magugustuhan nito ang nangyayari o ano. Isama pa ang pagkakalapit ng kanilang mga mukha. Nasasalubong ang mainit nilang mga hininga. Nasasamyo niya ang mamahaling cologne nito na tumatak na sa kanyang ilong. At ang kanyang malakas na kabog ng dibdib at mabilis na t***k ng kanyang puso at dahil sa takot niya sa asawa. Walang ibang ibig sabihin ang ano mang nararamdaman niya sa kanyang puso. Takot siya kay Miko iyon, iyon. "Gaano mo na katagal kakilala ang lalaking iyon?" Seryosong tanong sa kanya ng asawa sabay bitiw sa braso niya. Napatili pa siya sa pagkagulat at muntik mawalan ng balanse, buti na lang at hindi siya bumagsak sa sahig. "Matagal na mas matagal pa sa iyo!" Inis niyang tugon at wala sa loob na napasulyap sa kanyang braso na nagkapasa na pala, isama pang dahil maputi siya bumakas na rin ang mga kuko ng asawa roon. "What's that?" Miko asked at marahas nitong hinila ang kanyang braso. "Ah! Ano ba!" Tili niya. Buti na lang at hindi nito hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso katulad kanina. Tiyak na madadagdagan na naman ang bugbog niya sa braso. "Ako ba ang may gawa niyan?" Kunot noong tanong nito sa kanya. Tumingala siya at napatingin sa mga mata nito na tila ba nakonsensya dahil may pasa siya. "Sino pa nga ba!" Asik niya at marahas na binawi ang kanyang braso rito. Umatras rin siya palayo rito. Hindi niya nais na masyado silang malapit ng asawa sa isat-isa. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib nito, pero hindi naman ito humingi ng sorry sa kanya. "Maghingi ka ng gamot sa mga kasambahay mamaya," saad nito. Inikot lang niya ang mga mata para ipakita ang inis rito. As if naman na concern ito sa kanya. Wala naman talaga itong pakialam sa kanya. "Sino ulit iyung kasama mong lalaki kanina?" Tanong nito sa kanya, this time mababa na ang tinig nito. Baka nakonsensya na dahil nasaktan siya nito kanina. "Bakit ba inaalam mo pa? Wala na man kaming ginagawang masama!" Asik niya rito. "Baka magtanong siya about us, sabihin mo na na mag asawa tayo para hindi na siya umasa pa sa iyo! Nakita ko naman kanina na iba ang tingin niya sa iyo, baka umaasa siyang magkaroon pa kayo ng pag asa!" Litanya nito sa kanya. Napakunot noo lang siya at iniling ang ulo. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasasabi nito. "Isa pa kababalik mo pa lang ng San Juan. Ikalma mo muna ang sarili mo sa pakikipagkita sa mga dati mong lalake!" Mariing saad nito sa kanya. Kung makapagsalita pa ito sa kanya para bang siya ang lumalabag sa kasal nila, samantalang ito naman. Ganyan naman yata pag cheater, pa victim. Magaling pang umarte. Hindi na lang niya papatulan ang mga pang i-insulto nito sa kanya. Kilala niya ang kanyang sarili. Wala siyang masamang ginagawa. Mula noon hanggang ngayon faithful siya sa kasal nila ni Miko at kahit nasasaktan siya hindi pa rin siya gagawa ng bagay na pwede niyang pagsisihan sa huli. Isa siyang tao na malaki ang takot sa karma. "Nais ko na ring ipaalala sa iyo Patricia. Nasa San Juan ka na. Maliit lang ang bayan na ito, ano man ang makita ng ibang tao madaling makarating sa akin. Kaya dapat lang na mag ingat ka sa ikikilos mo!' Patuloy nito sa kanya. "Paano pa ko makikita ng ibang tao kung nakakulong na ko sa bahay mo! Habang ikaw malaya kang ginagawa ang lahat ng gusto mo! Tapos ako ikukulong mo dito!" Inis niyang saad rito. "Makakalabas ka naman, pero dapat alam ko muna kung saan ka pupunta at kung sino ang kasama mo!" Mariing tugon nito sa kanya. "Hindi na pwedeng maulit pa ang nangyari kanina, Patricia. Maraming tao sa bayan na ito,' patuloy nito sa kanya. "Bakit Miko? Sa tuwing aalis ka rin ba ipapaalam mo sa akin at sasabihin kung sino ang kasama mo?" Taas kilay niyang tanong rito. Lumalim ang kunot sa noo nito. "Magkaiba tayo ng sitwasyon, Patricia," Miko said. "Paanong magkaiba? Pareho lang naman tayong napilitan sa kasal na ito," she said. "Babae ka, Patricia at lalaki ako," Miko said. "So, ang ibig mong sabihin, dahil lalaki ka ok lang sa iyo kahit anong gawin. Malaya ka ganun ba? At ako dahil babae ako hindi ako pwedeng lumabag sa kasal natin!" Taas kilay niyang saad rito. "Isn't like that, Patricia," Miko said. Iniling na lang niya ang ulo rito. "Kung wala ka nang sasabihin pa Miko, magpapahinga na ko," yamot niyang saad rito. "Well, I need to go back to work. And please huwag kang gagawa ng eksena pag alis ko. Huwag mo kong bigyan ng sakit ng ulo, huwag mo ring bigyan ng problema ang mga tao sa bahay na ito. Ang pag alis mo kanina sila ang masisisi. Sila ang magbabayad sa bawat pagkakamali sa loob ng bahay na ito. Sila ang mag su-suffer sa pagiging pasaway mo Patricia!" Mahabang litanya nito sa kanya. "What?!" Bulalas niya. "Kaya kung ako sa iyo, Patricia pag isipan mo muna ang bawat gagawin mo, dahil hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak," Miko said. "Sadya mo kong iniipit Miko!" Asik niya rito. "Exactly, sweetheart. So, behave," tugon nito sa kanya at humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Nais man niyang umatras hindi niya nagawa. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na ayaw kumilos palayo sa asawa. "Behave, my little wife,' Miko said nang hawakan nito ang kanyang baba para i angat iyon at magtama ang kanilang mga mata. "See you tonight, sweetheart. We need to talk, para malaman mo ang bago kong rules sa pagsasama nating ito," saad pa nito sa kanya sabay yuko para abutin ang kanyang labi. Mabilis niyang iniwas ang mukha sabay tanggal sa kamay nito sa kanyang baba. "No, Miko. You are not allowed to kiss me," she said sabay talikod at lumakad na palayo sa asawa para iwasan na ito. "Patricia," tawag sa kanya ni Miko. Huminto siya at sinulyapan ang asawa. "Huwag kang umasa na may pag asa pa ang pagsasamang ito, Miko. Dahil para sa akin wala na. Ipagpatuloy na lang natin kung ano ang nasimulan natin. Much better kung pabalikin mo na lang ako sa New York,' seryosong saad niya sa asawa. Bago pa makasagot sa kanya ang asawa nagtuloy na siya sa pag akyat ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD