"Ikakasal kayo ni Congressman de la Cerna!" Bulalas ni Leslie sa kanya nang sabihin sa mga kapatid ang plano nila ni Mikel. Walang kahirap-hirap niyang napapayag si Mikel na pakasalan siya nito. Napasunod niya ito ng ganun lang. May usapan na sila ni Mikel na ikakasal na sila sa lalong madaling panahon. Simpleng kasal lang na ang mga malalapit lang sa kanila ang invited at hindi na kailangan pang i media, although ipapaalam naman nila sa publiko ang kasal nila matapos nilang maikasal. Ang usapan nila ay legal ang magiging kasal nila ni Mikel, pero may prenup para kung maghiwalay man sila ni Mikel ay wala siyang makukuhang ano man sa kayamanan nito. Hindi niya hangad ang ganoon kalaking yaman, sapat na sa kanilang magkakapatid ang magkaroon ng sariling bahay para makapagsimula sila. Nanga

