"Ano ba naman iyan Mikel, kayo na lang ang hinihintay," salubong sa kanila ng Mama niya nang makapasok na sila ni Liyah sa loob ng bahay. "Pasensya na po Ma, may inasikaso pa po kasi akong trabaho," paumahin niya sa ina. Na late sila dahil sa ginawa sa kanya ni Liyah sa kauna-unahang pagkakataon na naging dahilan para pumayag siyang pakasalan ang dalaga. Yes, tama pakakasalan niya si Liyah at magpapakasal na sila sa lalong madaling panahon. Hindi na siya makakapaghintay pa na makasal sila ni Liyah at wala ng dahilan para hindi ulit-ulitin ni Liyah ang pagpapaligaya sa kanya. Kahit ano pa ang dahilan ni Liyah sa pagpapakasal nila ay hindi na muna iyon mahalaga sa kanya, ang mahalaga sa kanya ay mananatili ito sa bahay niya at sa buhay niya. Nangako sa kanya si Liyah na lahat ng gusto niy

