Wala siyang naging reaksyon sa biglaang paghalik sa kanya ni Mikel sa labi, hinayaan niya itong angkinin nito ang kanyang labi sa paraang nais nito, tutal bayad naman ito dahil nga ito ang tumutulong sa kanila. Isama pang kahit nais niyang magpumiglas tutol naman mismo ang kanyang katawan. Napansin niyang iba ang uri ng halik ni Mikel sa kanya, may kagaspangan at territorial na para bang pinaparusaan siya nito sa paraang gusto nito at iyon ay ang paghalik nito sa kanya ng magaspang. Kahit ramdam niya ang kaunting pananakit naroon pa rin ang init at pagnanasa na lumukob sa kanyang katawan na mismong katawan niya ay hindi makayang tumanggi rito. Halos pangapusan na siya ng hininga nang pakawalan ni Mikel ang kanyang labi, taas, baba ang kanyang dibdib sa tensyon at kung anu-ano pang emosyo

