"I didn't expect to see you here, Mr. Congressman," Kristof said nang pumunta siya sa bar kung saan naroon ito para maki party. Kinailangan niyang umalis ng bahay at iwan muna si Liyah dahil baka tuluyan na siyang mabaliw sa kaiisip sa dalaga. Ni Hindi na nga siya nag dinner sa bahay para maiwasan na agad ang dalaga. Hindi siya sure kung tama ba ang naging reaksyon niya nang makita itong may kausap na ibang lalake. Naging OA yata siya at inakala ni Liyah na nagseselos siya. Of course hindi siya nagseselos, walang dahilan para magselos siya. "Why? Bawal na ba ko sa mga ganitong private event?" He asked Kristof sabay dampot sa kopita na inilapag para sa kanya at naupo na sa bakante sofa kaharap si Kristof at ang babaing kalaro nito. Private bar iyon mga member lang ang nakakapasok, ano ma

