Chapter-1

1534 Words
"Kailangan ko pa po bang umuwi diyan? Dalawang taon na rin naman ang lumipas at okay na ako sa kalagayan ko ngayon dito sa New York. At siya din naman, maayos na ang buhay niya. Ang ganda ng political career niya at kung uuwi pa ako diyan at malaman ng mga tao kung sino ako, baka masira pa ang career niya," litanya ni Patricia sa telepono habang kausap ang Mommy niya. Nakabukas ang bintana ng apartment niya. Malamig ang hangin ng New York. Tanaw niya ang mga ilaw ng building sa labas. Ang laptop, bukas sa mesa. Ang kape niya, lumamig na sa tabi. "Anak, iyon ang utos ng Daddy mo. Ang bumalik ka rito sa San Juan at ayusin ninyo ang pagsasama ninyo ni Miko," tugon ng Mommy niya. Humugot si Patricia ng malalim na paghinga. Mariing pinikit ang mga mata. Alam niyang darating din ang araw na pababalikin siya sa bayan ng San Juan para kay Miko. Ang lalaking pinakasalan niya. Sapilitan silang pinakasal ni Miko dalawang taon na ang nakalilipas. Iyon daw ang naging kasunduan ng Daddy niya at Papa ni Miko. Bagay na napaka-weird para sa kanya sa ganitong modernong panahon. Matagal nang hindi uso ang fixed marriage o arranged marriage. Pero wala siyang nagawa nang sapilitan siyang ipakasal kay Miko de la Cerna. Dalawang araw pa lang mula nang makilala niya ang lalaki. Ganoon kabilis ang pangyayari. Sa isang iglap lang, asawa na niya si Miko de la Cerna. Dala na niya ang apelyido nito sa pagdating niya sa New York para mag-aral. Dalawang taon na ang lumipas at naka-move on na siya. Hindi na niya naiisip pa ang lalaking iyon. Pero heto at sapilitan na naman siyang pinauuwi ng Daddy niya sa San Juan para lang ayusin ang relasyon nila ng lalaking sinasabing asawa niya. Na ni minsan hindi siya kinumusta. Hindi man lang siya tinawagan. O pinasyalan man lang sa apartment niya sa New York. Alam naman nito kung saan siya nakatira. Pero syempre, ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang tulad ni Miko de la Cerna na wala namang pagtingin sa kanya? Basta lang din itong sumusunod sa mga magulang nito para lang wala nang gulo. "Mommy, this time tatanggi na po ako. Hindi po ako susunod kay Daddy," buong tapang na sabi ni Patricia sa ina. "Patricia!" Mariing sabi ng ina sa buong pangalan niya. "I'm sorry po, Mommy," paumanhin ni Patricia at binaba na niya ang tawag para hindi na siya kulitin pa ng Mommy niya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Mariing pinikit ang mga mata. Sumasakit ang ulo niya tuwing si Miko ang pinag-uusapan nila. "I have my own life. I'm already twenty years old. I can handle myself now. Kaya ko na ring buhayin ang sarili ko," bulong niya at lumakad palapit sa kama. Sa isang apartment sa kilalang building sa New York siya nakatira. Si Miko de la Cerna ang nagbabayad ng apartment at nagbibigay din ito ng allowance sa kanya. Ito naman kasi ang nagsabi sa kanya na bumalik na lang siya ng New York pagkatapos ng kanilang kasal at ito na ang bahala sa lahat ng gastusin. Wala siyang naging problema sa gastusin niya sa New York. Provided lahat iyon ng asawa niya na ayaw siyang pabalikin sa San Juan. Nag-aaral siya sa kilalang university at si Miko din ang nagbabayad ng tuition fee. Allowance sa school, car, gas, groceries at lahat-lahat ng kailangan niya, si Miko ang nagbabayad. She is living her best life sa New York sa expense ng asawa. Asawang hindi siya mahal kaya tinapon na lang siya nito basta sa New York. Tinanggap naman niya dahil maganda ang offer sa kanya ni Miko. Kaya nga dalawang taon na siya sa New York na namumuhay mag-isa at malaya. And now, pinapauwi siya bigla ng Daddy niya. Kung uuwi siya, baka magalit lang sa kanya ang asawa at hindi na rin siya makabalik pa ng New York dahil may usapan na sila ni Miko na hindi siya babalik ng San Juan kapalit ng magarbong pamumuhay niya sa New York. Tinupad ni Miko ang pangako nito sa kanya. Kaya dapat lang na tuparin din niya ang pangako niya rito na magtago siya sa New York at wala dapat ibang makaalam na asawa niya ito. Tanging ang secretary lang ng asawa niya ang nakakausap niya para sa allowance. Zero communication sila ni Miko sa loob ng dalawang taon. Although updated naman siya sa asawa niya dahil politician ito. Vice Mayor ito sa bayan ng San Juan habang ang pinsan naman nitong si Mark de la Cerna ang Mayor. Sa pagkakaalam niya, magsasalitan ng posisyon ang magpinsan sa susunod na halalan. Ganyan naman yata talaga pag sa pulitika. Magkakamag-anak lang ang umuupo sa posisyon. Nagsasalitan lang ang mga ito para walang makaupong iba. Fashion designer ang kurso niya sa university at the same time nakaka-side line siyang modelo sa ilang company ng mga damit dito sa New York. Kahit Filipina siya, nag-stand out pa rin ang ganda niya sa New York. Hindi naman alam ng mga kumukuha sa kanya na may asawa na siya dahil hindi niya sinasabi o inilalagay sa information niya. Single ang lagi niyang sinusulat. Hindi rin niya sinusuot ang wedding ring na bigay ni Miko sa kanya at wala siyang balak isuot iyon. Baka ibenta na lang niya pag wala na siyang sustento mula sa asawa. Habang nakahiga siya, nag-ring na naman ang cellphone niya. This time, ang Daddy niya ang tumatawag. Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba ang tawag nito o hindi dahil alam niyang pagsasabihan lang siya ng ama at pipilitin na umuwi ng San Juan. "Dad," sagot niya sa kabilang linya. "Patricia!" Galit na bungad sa kanya ng ama. "Uuwi ka rito sa San Juan o ako mismo ang susundo sa iyo diyan sa New York!" Matigas na sabi ng ama sa kanya. "Daddy, hindi naman ako nais makita ni Miko," tugon ni Patricia sa ama. "Ano na lang ang mangyayari sa pagsasama ninyo kung malayo kayo sa isa't isa? Dalawang taon na kayong kasal pero hindi pa kayo nagsama. Hindi na ako papayag na kayo ang magdesisyon ngayon ni Miko sa pagsasama ninyo. Sinayang ninyo na ang dalawang taon ninyo! Hindi na ako basta uupo na lang at walang gagawin. Anak kita at alam ko kung ano ang makakabuti sa iyo!" Galit na litanya ng ama sa kanya. "Umuwi ka na rito at huwag ka nang babalik pa diyan sa New York. Tapos na ang laro ninyong ito ni Miko!" dagdag pa ng ama. "Pero Daddy, hindi po nais ni Miko na—" "Ako mismo ang kakausap kay Miko para siya na mismo ang magsundo sa iyo diyan sa New York at iuwi ka niya rito!" Galit nitong putol sa sasabihin pa sana ni Patricia. "Maghanda ka na diyan, Patricia, dahil uuwi ka na ng San Juan sa ayaw at sa gusto mo!" Mariing sabi pa ng ama at pinatay na nito ang tawag bago pa siya nakapagsalita muli para mangatwiran at magpaliwanag na hindi siya nais pauwiin ni Miko sa San Juan. Nais siyang itago ng sarili niyang asawa. "Anong gagawin ko?" tanong ni Patricia sa sarili habang kagat-kagat ang kuko. Ang labi, nanunuyo. Tiyak na gagawin ng Daddy niya ang sinabi nito. Na kakausapin nito si Miko. "Dapat ko bang unahan ang Daddy ko?" tanong niya sa sarili at sinubukang tawagan ang secretary ng asawa para makahingi siya ng appointment para kausapin ang asawa niya. Sumagot naman agad ang secretary ng asawa sa tawag niya. Sinabi niyang nais niyang makausap si Miko. Importante. Iyon nga lang, sinabihan siya ng secretary na hintayin na lamang ang tawag ni Miko sa kanya. Hindi niya alam kung kailan tatawag sa kanya ang asawa. Nakiusap pa siya na sabihin na agad sa asawa na nais niya itong makausap dahil importante. Kaswal na "oo" lang ang sagot ng secretary na tila ba wala namang pakialam sa kanya kahit urgent pa ang tawag niya. Wala siyang contact sa asawa niya. Hindi niya alam ang personal na number nito. Email ang alam niya sa asawa. Iyon lang, baka ang secretary rin nito ang nagha-handle sa email ng asawa at maghihintay pa siya nang matagal kung kailan siya nais makausap nito. Sinubukan na rin niyang mag-send ng email kay Miko para ipaalam ang nais mangyari ng Daddy niya. Na pauwiin na siya ng San Juan at magsama na raw sila nito. Alam niyang hindi papayag si Miko na umuwi siya. At lalo na ang magsama sila nito. Siya pa ang mapapahiya sa gagawing ito ng Daddy niya. Maayos na nga ang buhay niya rito. Masaya siya. At hindi na niya iniisip pa ang asawa niya. Ang mahalaga sa kanya, nag-e-enjoy siya kahit mag-isa lang siya. Tititig na titig siya sa screen ng laptop matapos ma-send kay Miko ang email niya para rito. Ang ilaw ng screen, sumasalamin sa mga mata niya. Umaasa siyang tatawagan siya ng asawa. Alam naman nito ang cellphone number niya. Sa secretary nito, pwede siya nitong tawagan anytime. Wala siyang secretary. Kaya direct na ito sa kanya pag tumawag. Iyon ay kung tatawagan siya ni Miko. Baka siya lang ang nagpa-panic at balewala lang ang lahat ng ito sa asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD