"Hey, Liyah,' nagulat pa siya nang makita si Kenzo na palapit sa kanya. Palabas na pa naman siya ng gate at nasa labas na ng gate panigurado si Mikel at hinihintay na siya. Ngayong gabi ang family dinner sa bahay ng mga parents nito at ma mi-meet na niya ang buong angkan ng mga de la Cerna. Huminto siya sa paglalakad at pasimpleng sumulyap sa labas ng gate. Baka kase naroon si Mikel at malalagot na talaga siya rito. Walang silang label ni Mikel at wala itong planong gawing totoo ang ano mang namamagitan sa kanila, pero malakas itong magselos na hindi naman nito maamin sa sarili. Gulo na naman kung makita ni Mikel na kausap niya si Kenzo. "Here,' Kenzo said at inabot sa kanya ang pulang sobre. Sa itsura pa lang ng sobre alam na niya kung ano iyon. Invitation iyon at hindi lang niya alam k

