"Kung ganon nagsasama na pala kayo sa iisang bahay. Eh bakit hindi pa kayo magpakasal tutal nagsasama na rin kayo, para wala na lang din masabi pa ang ibang tao sa inyo, lalo sa iyo, Mikel. Baka mapuna ka ng mga nais kumalaban sa iyo,' litanya ng Papa ni Mikel na kinagulat niya. Hindi niya iyon inaasahang marinig mula rito nang aminin ni Mikel na nakatira na siya sa bahay nito. May kasunduan lang sila ni Mikel pero hindi sila nagsasama, pero sa mata ng iba ay parang nagsasama na nga sila, lalo na't sinasabi ni Mikel na may relasyon sila kahit wala naman. Sa sobrang pagkagulat pa nga niya nalunok niya bigla ang laman ng kanyang bibig. "Liyah, are you ok?" Agad namang to the rescue sa kanya si Mikel at inabutan siya ng tubig. Tinanggap niya iyon at uminom. Habang umiinom siya narinig niya

