LYKA “STELLA?!” bulalas ko pagkatapos kong marinig ang boses ng aking stepsister sa halip na boses ng aking fiancé. “Bakit na sa’yo ang cellphone niya? Paano kayo nagkakilala? At bakit kayo magkasama?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Napansin ko naman na tahimik lang si Verex nang mapatingin ako sa kaniya. “Relax, sis. Okay?” tumatawang sagot lang niya sa akin mula sa kabilang linya. “Nakalimutan mo na ba na iisang school lang naman tayong tatlo noong college? At saka nabanggit ko na sa’yo before na kilala ko ang sira-ulong Fritz na ‘yon dahil sa pagiging sikat niya sa campus as number one playboy.” Bahagya akong napangiwi sa paraan ng pagkakasabing iyon ni Stella. Na para bang close sila ni Fritz kung murahin niya ito. Sabagay, normal lang din naman talaga sa kapatid kong iyon ang