LYKA HALOS isang buwan na rin simula nang maaksidente ako. Salamat naman sa Diyos at kahit papaano ay nakakalakad na ako nang mag-isa. Hindi ko na kailangang gumamit ng wheelchair. Hindi na rin ako kailangan pang alalayan ni Verex. Kailangan ko lang magdahan-dahan. Lalo na kapag pababa ng hagdan. Gayon man ay hindi pa rin ako hinahayaan ng aking dating asawa na mag-isang maglakad at kumilos. Parati siyang nakaalalay sa akin. At sa loob ng mga panahon na hindi ako makakilos nang mag-isa, hindi naman ako nahirapan. Hindi naman kasi ako pinabayaan ni Verex. Halos siya ang umako lahat ng responsibilidad ko rito sa bahay, lalo na pagdating sa pag-aalaga kay Pablo. Kung umaalis man siya para umuwi sa Maynila, isang araw lang ang madalas na itinatagal niya. At sa mga panahon na iyon ay nakita