LYKA “B-BAKIT mo ipinangalan sa’kin ang bahay mo sa San Pablo?” parang hindi pa rin makapaniwala na tanong ko kay Verex nang makauwi kami rito sa bahay. Ang totoo niyan, kanina pa kami nandito. Inabot na kami ng madaling araw dahil sa pagliligpit ng mga naging kalat namin dulot ng preparasyon ng kaarawan ni Pablo. At bago pa man kami umalis sa venue ay alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon. Sinabi sa akin ni Melanie bago kami naghiwalay kanina. Sa umpisa pa lang nang malaman ko ay gusto ko na agad komprontahin si Verex. Hindi lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Medyo naguguluhan din ako at hindi pa rin makapaniwala. Ilang segundong nakatitig lang sa akin ang ex-husband ko bago niya ako nilapitan at umupo sa tabi ko. Gayon man ay hindi maitago ang pagkunot ng kaniyang noo. “How did y