LYKA NAPAPIKIT ako nang maramdaman ko ang malalambot na mga labi ni Verex sa aking mga labi. Naguguluhan ako kung bakit feeling ko ay parang tatalon ang aking puso sa sobrang bilis ng t***k nito. I know na hindi ko na ito dapat na maramdaman pa sa aking dating asawa. Hindi naman nagtagal anag pagdampi niya ng halik sa akin. Mayamaya lamang ay naramdaman ko na ang bahagyang paglayo niya sa akin, rason upang maidilat ko ang aking mga mata. Why I have this feeling na ayaw kong matapos agad iyon? Stop it, Lyka. Na-postpone lang ang kasal n’yo ni Fritz pero kayo pa rin. May boyfriend ka pa rin kaya tigilan mo ang kalandian mo. paalala sa akin ng isipan ko. Napalunok ako nang ma-realize ko na nakatitig pa rin pala sa akin ang ex-husband ko. At ang aming mga mukha ay wala pang matinong pagit