LYKA HULING ARAW ko rito sa ospital. Medyo okay na ang aking pakiramdam maliban sa hindi pa rin ako puwedeng maglakad. “Thank you,” wika ko sa isang nurse din nang tanggalin niya ang ano mang nakakabit sa aking katawan. “You’re welcome, Ma’am.” Ngumiti siya sa akin. “May susundo po ba sa inyo?” “Oo meron naman.” Tumango ako pero hindi ko sigurado kung sino ba ang susundo sa akin. Nagpaalam kasi kahapon si Verex na uuwi sandali sa Maynila para dalawin naman sa ospital si Mama Lucila. Si Auntie Cecil naman, pagkatapos magkaroon ng trangkaso ay nagka-sore eyes kaya hindi pa rin siya nakakauwi sa amin. Tinawagan ko naman ang pinsan ko. Pero mamayang hapon ang out niya sa school. Hindi ko naman siya mahintay. Uwing-uwi na ako dahil ilang araw na ako rito sa ospital. Kalalabas lang ng nurs