CHAPTER 14: HINDI AKO MAPAKALI HABANG NAGHIHINTAY NG reply mula sa kaniya. Kahit pa abala naman ako sa ginagawa kong trabaho, hindi ko pa rin talaga maiwasang balik-balikan ng tingin ang cellphone ko. Sa huling paglapag ko ng cellphone sa gilid ng laptop, napansin kong nakatingin na sa akin si Nora na halatang nang-uusisa na naman. "Ano?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya at muling ibinalik ang tingin sa kaniyang drawing tablet. "Wala naman, medyo na-distract lang ako kasi panay ang tingin mo sa cellphone." Napailing na lamang ako at muling ibinalik ang tingin sa laptop. Hindi ko na siya sinagot pata hindi ako magmukhang nagdadahilan. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na huwag muling buksan ang cellphone ko. Gusto ko nga sanang ilayo sa akin pero hindi ko naman magawa dah