CHAPTER 12: HINDI AKO MAPAKALI HABANG HINIHINTAY SI Stefano sa labas ng bahay ni Nora. Mabuti na lang at hindi squater type itong apartment na kinatitirikan ng bahay ni Nora dahil paniguradong maiilang ako habang naghihintay. Ang bahay kasi namin, squatter ang itsura ng mga bahay. Dikit-dikit at masikip ang eskinita pero hindi naman squatter talaga. Ganoon lang, masikip. May mangilan-ngilang sasakyan ang dumadaan sa harap ko, ilang motorsiklo, ilang tao na rin ang dumaan. Kamuntikan ko pa ngang bilangin e. Wala pa kasing sinasabi si Stefano na paalis na siya, lumabas na ako. Kaya siguro ngayon ay nasa byahe pa lang 'yon. Mayamaya pa ay may humintong kulay grey na kotse sa harap ko. Hindi siya mukhang mamahalin at halatang luma na. Akala ko naman, huminto lang talaga siya. Pero sadya p