SATFP: Chapter 3

2374 Words
 -STA. LAZERO CITY, PHILIPPINES-   "Sta. Lazero Parish." Basa ko sa nakaukit na letra sa malaking simbahang tinitingnan ko ngayon.   Ito na siguro 'yon.   Umupo ako sa upuang bato rito sa labas ng simbahan. Hihintayin ko munang matapos ang misa bago magtanong kung nasaan si Father Jacob.   This church is really big. I can see the bell and next to it is a very big cross. Nasa itaas banda pareho. Halong brown, white, at light blue ang kulay ng simbahan. Halata rin na sikat dahil maraming tao ang nagsisimba. May mga nakatayo pa at humabol sa misa.   I grab my phone and dial my father's number.   [Hello?]   Maka-hello 'tong ama ko akala mo 'di alam sino kausap.   "Dad, it's me."   [Spentice! Are you there already? Did you meet Father Jacob? What did he say?] Sunod-sunod niyang tanong.   "I'm here already. Hindi ko pa siya nakikita. And I don't know," sagot ko sa mga tanong niya.   [Are you kidding me?]   "No. I'm being honest here."   [Spentice Viglianco.]   "Yeah? That's my name, Dad."   [Humanda ka sa 'kin 'pag uwi mo.]   Napangisi ako sa sinabi niya. Really, Dad? Piss off?   "No golds then."   [What the f*ck?! No! That's a big no no! Bring the golds here! I will not accept you here when there's no golds!]   Napatawa ako sa naging reaksyon ng ama ko. Alam kong kunot na kunot na ang noo niya at lumalabas na rin ang ugat niya rito.   "Stavo solo scherzando. Ti aggiornerò più tardi. Ok ciao. (Just kidding. I'll update you later. Okay, bye.)"   Nasabi ko na rin naman ang gusto kong sabihin kaya in-end call ko na ang tawag at tumingin ulit sa simbahan. Hindi pa rin tapos ang misa. Mabo-bored na sana ako but someone suddenly caught my attention.   A man wearing a black close-fitting ankle-length garment with a white collar. Probably he's a priest. Physical looks? I can say that he is good looking, tall, sharp featured, and a well built man.   At hindi lang 'yon ang nakakuha ng atensyon ko. Nakita ko kasing may hinahabol siyang batang lalaki na may dala-dalang mamahaling bag at may nakasunod pa sa kanya na mga babae.   What the hell? Ano 'to, habulan?   O baka naman kaya hinahabol ng padre 'yong batang lalaki kasi may kinuha siyang hindi niya pag-aari? Halata mong hindi sa batang lalaki ang bag na iyon dahil mukhang pambabae. Magnanakaw ba 'yong bata? Eh paano naman 'yong mga babaeng nakasunod sa padre? Sila kaya 'yong ninakawan?   But why am I getting curious? Epekto ata ito ng malapit na ma-bored.   Papunta sila sa direksyon ko ngayon at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipang i-stretch ang paa ko para patirin 'yong bata.   Laking gulat ko nang tumalon 'yong bata at hindi napatid, he’s smart. At laking gulat ko rin na may napatid akong hindi ko naman gustong patirin.   Sh*t!   'Yong pari! 'Yong pari ang napatid ko! What the f*ck!   Marahas na umayos ng tayo ang pari at agad akong tiningnan ng masama.   "Tanga ka ba?!"   Is he talking to me? Ako pa 'yong tanga? Eh siya nga 'tong hindi tumitingin sa daan. Buti pa 'yong bata marunong tumingin.   "Excuse me?" tanong ko.   "Miss, kita mong may hinahabol ako ihaharang mo 'yang paa mo!"   Bastard! Bakit kailangang sumigaw kung nandito lang naman sa harapan niya at malapit pa ang kausap niya?   "What? I mean, it's not my intention," saad ko.   Is he really a priest? Sa pagkakaalam ko, ang mga pari ay mababait. Hindi tulad ng nasa harapan ko ngayon.   "Nag-english pa. Ako na nga 'yong napatid niya hindi man lang humingi ng sorry! Nasa'n na ba 'yong batang 'yon?!"   Kakaiba ata ang pari na 'to. Ganito ba ang mga pari sa Pilipinas?   "Doon ata pumunta, Father," sagot ng isa sa mga babae at may tinurong daan.   "Habulin na po natin at hulihin nang makapagpa-picture na po kami sa inyo," dagdag naman nung isa.   "Tara na po."   "Inis naman!" sigaw nung pari at nag-umpisa ulit tumakbo papunta sa dinaanan nung bata.   Sumunod naman sa kanya ang mga babae na halo-halo ang edad. Sikat ata sa mga babae ang padreng 'yon. Well, he's handsome. But I don't freakin' like his attitude!   Hindi porket pari siya at alagad ng Diyos ay dapat na siyang umasta nang gano'n!   Wait. He is a priest, right? Sa pagkakaalam ko, ang mga pari hindi nagmumura. Malumanay sila kung magsalita. At higit sa lahat nirerespeto nila ang bawat tao.   Na-scam ba ako? Na-scam ata ako sa pagkakakilala ko sa mga pari. O baka naman siya lang ang ganyan? A priest with a rude attitude.   Tumingin ulit ako sa simbahan. Nagmimisa pa rin at mukhang matagal pa naman bago matapos.   Tumayo ako sa pagkakaupo at dumiretso sa kotse ko. Maling desisyon na kinalaban ako ng paring 'yon. Ako na anak ng mafia boss at isang mafia lawyer ay sisigawan at papagalitan ng isang pari? I won't let it slide.   Quel prete merita qualche lezione. (That priest deserves some lessons.)   I started the engine of my car then step on the gas. I'm going to search where that kid is hiding. Tingnan natin kung sino sa 'tin ang mauunang makahanap sa bata.   Sinundan ko rin ang daan kung saan dumaan ang bata. Nakita ko pa 'yong paring galit ata sa mundo at ang mga babae na picture ng picture sa pari na tinitingnan ang bawat sulok ng daan pagkatapos ay tatakbo ulit para maghanap.   Napangisi ako at mabilisang linagpasan sila. Patuloy lang ako sa pagmamaneho habang tumitingin-tingin rin sa bawat sulok ng daan. Medyo malayo na ang nararating ko pero 'di ko pa rin nakikita 'yong bata.   That kid is really smart. Should I recruite him? He can be part of us. I can see his potential.   Sa pag-iisip ko na maging parte ang batang 'yon sa 'min ay may nakita akong mamahaling bag na nakapatong sa isa sa mga lamesa sa labas ng mini-stop. Sa pagkakatanda ko, gano'ng klaseng bag ang dala-dala nung bata na hinahabol kanina ng pari.   Tinabi ko sa gilid ang kotse ko bago bumaba at lapitan ang kinalalagyan ng bag.   I'm right. Ito 'yong bag na dala-dala nung bata. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid hanggang sa makita ko 'yong bata na nagtatago sa ilalim ng lamesa. Lumapit ako sa pinagtataguan niya.   I told you, mauunahan ko pang mahanap ang bata kay sa sa paring 'yon.   "Hey, kid."   Yumuko ako ng kaunti para makita ng maayos 'yong bata.   Nakita kong natakot siya kaya ngumiti ako.   "It's okay. You don't need to be scared."   Tama bang nage-english ako? Baka 'di niya pala ako naiintindihan.   "Hindi na po mauulit. Hindi na po ako magnanakaw. Pramis po," sabi niya na parang iiyak na.   I think he's around 9-10 years old.   "Tumayo ka nga, bata. Let's talk," sabi ko at umayos ng tayo.   "Ayoko po. Makikita po ako ni Father Josiah. At saka hindi po ako nakakaintindi ng english."   Sabi ko na eh, hindi niya ako naiintindihan. Wait, who's Father Josiah?   "Okay lang 'yan. Ako bahala sa 'yo. Sige na, tumayo ka na."   I don't know how to comfort a kid but I think it's effective. Sumunod siya sa sinabi ko at unti-unting lumabas sa pinagtataguan niya.   Nginitian ko ulit siya bago umupo sa upuan dito. Umupo rin naman siya kagaya ko.   "Mabait po ba kayo?" tanong niya na nagpaisip sa 'kin.   Mabait ba ako? Siguro? Kasi ang mga pinapatay at pinaparusahan ko lang naman ay ang mga makasalanan? But no one knows if someone is deserved to die and be in pain. So, baka hindi rin ako mabait.   Sa halip na sagutin ang tanong niya ay iniba ko ang topic na pag-uusapan namin.   "Bakit ka hinahabol nung pari? Siya ba si Father Josiah?"   Tumango siya bago sumagot. "Opo. Hinahabol po ako ni Father Josiah kasi po kinuha ko po 'yong bag na 'yon."   Tinuro niya pa 'yong bag na nasa kabilang lamesa.   "Bakit mo kinuha 'yon? Magnanakaw ka ba?"   Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang batang ito. At kung bakit curious din ako sa kanya. Sa totoo lang ay pwede ko na siya ibigay kay Father Josiah dahil kanina pa siya hinahabol at hinahanap nito.   Pero dahil gusto ko marinig ang mga dahilan niya ay heto ako at tanong ng tanong. Since I'm planning to recruite him, why not take this chance, right?   "Hindi ko rin po masasabi. Ngayon lang po kasi ako nagnakaw," sagot niya.   "Bakit mo naman naisipang magnakaw?"   Sasagot na sana siya nang may lumapit sa 'min na nagtratrabaho ata sa mini-stop na ito.   "Sorry po sa istorbo, Ma'am. Pero bawal pong tumambay rito. For costumers only lang po ito," sabi niya.   "Oh, okay, sorry. Two ice cream please. The large one," I said and gave my five hundred pesos to her. "Keep the change."   "Okay po, Ma'am!"   Tumango lang ako at tumingin ulit sa bata.   "Ano nga pangalan mo?" tanong ko ulit.   "Renz po."   "Okay, Renz. Bakit mo nga naisipang magnakaw?" pag-uulit ko sa tanong ko kaganina.   "Kailangan po eh. May sakit po ang nanay ko. Si tatay naman po ay mangangalakal lang ang trabaho. Kulang po ang kinikita ni tatay para sa pang-araw-araw namin," sagot niya.   Sakto naman na dumating 'yong dalawang ice cream. Binuksan ko muna 'yong isa at ibinigay sa kanya bago magsalita ulit. Agad naman niyang kinain 'yon.   "Eh ikaw, nag-aaral ka ba? Ilan ba kayong magkakapatid?"   "Hindi na po ako nag-aaral. Lima po kaming magkakapatid at ako po ang panganay. Kaya po naisipan ko pong magnakaw para makatulong man lang po sa mga magulang ko."   "Kamag-anak mo? Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa kanila?"   Naging malungkot siya at umiling. "Wala po silang paki sa 'min. Problema na raw po namin ito."   Minsan may mga tao talaga na kahit alam na nila kung gaano kahirap ang kinalalagyan nung tao ay hindi pa rin nila ito magawang tulungan.   That's why, I have this strong feeling to help this kid. I want to help him and his family. I can make them rise and be rich. I can make this kid be a successful one.   "Gusto sana kitang tulungan pero kailangan ko munang makausap ang mga magulang mo."   Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.   "Talaga po? Tutulungan niyo po kami? Madadala na po ang nanay ko sa ospital?" excited niyang tanong.   "Oo naman. Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo." I gave him an assuring smile. And he smiled back at me.   "Salamat po! Matagal ko na pong hiling na sana ay may tumulong sa amin at maidala sa ospital si nanay. Maraming salamat po!"   "Your welcome. Kailangan ko munang kausapin ang mga magulang mo para matulungan ko kayo."   "Tara na po!" sabi niya at tumayo na.   "No, no. Mamaya na. Hintayin muna natin si Father Josiah. Umupo ka muna."   Pinaupo ko ulit siya at pinagtuonan niya ulit ng pansin 'yong ice cream niya.   "Bakit po kailangan natin hintayin si Father?" tanong niya.   "Para isauli 'yong bag na kinuha mo. At para rin makausap ka niya ng maayos. Pagkatapos no'n ay pupunta na tayo sa inyo."   "Matagal pa po ata sila. Nakakatakot po talaga si Father Josiah."   Kumunot ang noo ko sa kanya.   "Bakit ka naman natatakot sa kanya?"   "Mabilis po kasi siyang mainis at magalit. Pero sikat po 'yon si Father Josiah. Kilala nga po siya rito sa tawag na Fiery Priest."   Fiery Priest? Bagay naman sa kanya. Bagay na bagay sa ugali niya.   "Kaya pala kakaiba siyang pari," saad ko.   "Opo. Marami na rin pong may galit kay Father. Kadalasan po ay mga taong may ginagawang masama ang may galit sa kanya."   "Bakit?"   "Iyon po talaga ang gawain ni Father Josiah. Binibigyan niya po ng leksyon ang mga taong naligaw ng landas."   i see. He is still a good priest regardless of his attitude.   "Saan ba nagsususuot ang batang iyon?! Talagang ginalingan ang pagtatago!" Mula sa 'di kalayuan ay may narinig akong boses ng lalaki.   "Si Father Josiah." May takot na sabi ni Renz.   Sino nga bang hindi matatakot kung palaging nagsisigaw at parang may galit sa mundo ang taong iyon?   "It's okay," pagpapakalma ko sa kanya. Tumingin ako sa daan kung saan nanggagaling ang boses at hinintay na may lumitaw na taong alagad ng Diyos.   Pagkakita ko sa padre ay agad kong tinawag ang atensyon niya.   "Fiery Priest! Calling the attention of the priest with a rude attitude!" sigaw ko at itinaas pa ang kamay ko para mapansin niya kung nasaan kami.   Napalingon naman siya banda sa 'min at nang makita niya kami ay kaagad siyang lumapit.   "Hoy, bata!" Tinuro niya agad si Renz na mabilis na nagtago sa likod ko. "Alam mo bang ang hirap mong hanapin?! Kanina ka pa na—"   Pinutol ko ang sasabihin niya dahil ramdam kong nanginginig na sa takot ang batang nasa likod ko.   "Easy, Father. Ayon 'yong bag." Tinuro ko ang kinalalagyan ng bag. Kinuha naman niya ito at agad chineck. "The kid didn't stole anything inside that bag."   Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagche-check. Wala atang tiwala sa akin.   "Father! Naku! Ito nga 'yong bag ko! Salamat, Father!" May biglang sumulpot na babae at nagsisunuran na ang iba. His fangirls are arriving.   "Picture na picture!"   "Okay!"   "Sa wakas!"   Agad namang pinalibutan si Father ng mga babae at inihanda na ang kanya-kanya nilang camera. Tumingin naman si Father Josiah sa mga camera at ngumiti. It's picture time and he's enjoying his fame.   Napailing na lang ako sa padreng ito. I didn't expect to meet a priest like him.   Pagkatapos nilang magpicturan ay nagpasalamat na ang mga babae at umalis. Napangisi na lang ako. Iyon lang pala ang habol nila kay padre. Picture.   Ako, si Father Josiah, at si Renz na nasa likod ko pa rin hanggang ngayon ang naiwan dito. Nakatingin lang sa 'kin si Father habang nakakunot ang noo.   "What? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya.   "Anong ginagawa mo?" tanong niya rin   "Uhm... Helping you?" sagot ko naman.   "Bakit nagtatago 'yang batang 'yan sa likod mo?"   "Wala ka na do'n."   "At matapos mo 'kong patirin kanina, tutulungan mo ako ngayon?!"   "Is that wrong?"   "Oo!"   "How do you say so?!"   "Nasa Pilipinas ka english ka ng english! Magtagalog ka nga!"   Parehas kaming nagpalitan ng masasamang tingin.   This priest is really getting on my nerves!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD