Mukhang umaga pa lang ay palihim na niya akong pinagmamasdan. Kung tutuusin ay hindi naman nakakakapagtaka dahil alam niyang kumain na ako kasama ang mga bago naming kaibigan. Dahil kung hindi niya ako sinubaybayan baka wala na akong kawala sa bastos na lalaking iyon. Pero dumating siya kanina kung kailan kailangan ko ng tulong. Hindi ko nga lang nagustuhan ang paraan ng pagtulong niya sa akin. Pero nangyari na at wala na akong magagawa sa buhay ng lalaking nawala. Iisipin ko na lang na isa iyong bangungot at hindi nangyari sa totoong buhay. Sumimangot ako dahil hindi ko mapigilan na magtampo sa kaniya dahil hindi man lang siya nagpakita sa akin ng mas maaga. Natawa pa siya sa aking inasta dahil para raw akong bata dahilan kung bakit hindi niya natiis na guluhin ang nakaayos