Chapter 4

1494 Words
Malapit lang ang private hospital na pinagdalhan kay Lukas sa mismong kabayanan lang ng San isidro. Kinse minutos lang ang itinakbo ng ambulansiya hanggang doon. "Emergency emergency." sigaw ng isang guard. Mabilis namang lumalabas ang dalawang nurse na lalaki para tumulong sa pagbuhat ng stretcher. Pagkababa ay halos itakbo ito kasunod naman si Cecille. "Ano pong nangyari?" tanong ng isang nurse na may buhat. "May tama siya ng baril sa dibdib." sagot naman ni Cecille. Hindi na muling nagtanong ang nurse hanggang narating nila ang emegency room. "Mam,maiwan muna po kayo dito sa labas." paalala ng nurse kay Cecille. Hindi mapakali si Cecille ng naiwan sila ni Joey sa labas. "Joey." tawag niya dito. "Yes mam?" tanong naman ni Joey. "San nyo ba dinampot yung babaeng yun ha. Kaninong baril ang ginamit?" pigil na pigil ang paglakas ng boses ni Cecille upang walang makarinig na iba sa kanilang pag uusap habang lumilinga linga pa siya sa kanyang paligid habang nagsasalita. "Mam sa pasay pa po.h Hindi ko po alam kung kaninong baril ginamit mam eh." sagot ni Joey. Napailing na lang si Cecille. Natanawan niyang may bench at tinungo n'ya 'yun upang maupo at mapahinga pansamantala. Kahit madaling araw pa lang ay may mga tao pa ding labas-masok ng ospital. Maaaring mga bantay 'yun ng pasyente dahil bawal naman ang dalaw ng ganuong oras. "Emergency na naman, si vice daw 'yun, nabaril." Naulinigan ni Cecille na pinag-uusapan ng dalawang dumaan sa kanyang harapan. "Diyusko bakit kaya noh? Akala ko eh may manganganak na naman." sagot ng kausap nito. May nanganganak pala ng emergency sa loob-loob ni Cecille. Maaaring biglaan ang pag le-labor siguro. Naalala pa niya nung nanganak siya kay Karl du'n mismo sa ospital na 'yun. Hindi pa siya nagtatagal sa pagkakaupo ay gusto na naman niyang tumayo dahil hindi siya mapalagay. Marami pa sana siyang gustong itanong kay Joey pero naisip niyang wala ding maitutulong ang pagtatanong niya. Nasa kanyang paghihintay si Cecille at pagmumuni-muni ng dumaan ang isang doktora na medyo may edad na. Napalingon ito sa kanya at para itong nagulat. Binati ng doktora si Cecille at mas naging mabilis ang paglalakad nito ng makalagpas na kay Cecille. Nakilala ni Cecille ang doktora. Ang doktorang nagpaanak sa kanya. Na siyang pinagpapa-check-up-an niya nu'ng nagbubuntis pa lang siya. Halatang iniwasan siya nito. Nagtama lang ang kanilang tingin kaya sapilitan siya nitong binati. Biglang bumalik sa alaala niya nung siya ay nagbubuntis pa lamang. Isang buwan pa lamang silang nagsasama ni Lukas ng makaramdam siya ng pagkahilo na nauuwe sa pagsusuka. Hindi na niya pinaalam kay Lukas ang nangyayari sa kanya kaya't siya na mismo ang kusang nagpunta ng ospital para magpa-check up. "Congratulations mam, you're two months pregnant" bati ni Dra. Francisco sa kanya. Laking gulat niya sa sinabi ng doktora. Parang gusto niyang himatayin sa narinig. Hindi dahil sa saya kundi dahil sa pagkabigla. Dahil isang buwan pa lang sila nagsasama ni Lukas. Nahalata ni doktora ang reaksyon niya. "Hindi mo ba nararamdaman ha Cecille na buntis ka? Sabagay unang pagbubuntis mo pa lang 'yan kasi. Matutuwa tiyak si Mayor niyan at magkakaapo na siya sa panganay niya." natutuwang sabi ng doktora. Hindi pa din makahanap ng sasabihin si Cecille dahil hindi niya akalain na buntis siya at sigurado siyang hindi kay Lukas 'yun. Napaluha bigla si Cecille. "Cecille, m-may problema ba?" natiyak ng doktora na hindi sa ligaya kaya naiiyak si Cecille. "Doktora, maaari po bang makiusap sa inyo?" nang makaisip ng sasabihin si Cecille. "Ano yun Cecille?" nagtatakang tanong ng doktora. "Doktora, maari po bang wag muna malaman ng asawa ko to? Tatapatin ko na kayo doktora, hindi si Lukas ang ama nito. Natitiyak ko po 'yun dahil isang buwan pa lamang simula nung una kaming magsiping. Doktora, hindi ko po alam kung paano pero tulungan nyo po ako. Baka mapatay ako ni Lukas 'pag nalaman niya to. Sa susunod po sanang check-up ko iakma nyo po sana sa tamang panahon nu'ng una kaming nagsiping dahil 'pag nalaman ni Lukas na buntis ako ay tiyak na sasama yun sa pagpapa-check up ko." pakiusap ni Cecille. Alam ng doktora na hindi siya inuutusan o dinidiktahan ni Cecille dahil naramdaman niya sa kalooban nito ang pakikiusap at takot. Naging tapat sa kanya si Cecille at naawa siya dito. Kitang-kita sa mukha ng doktora ang pagkabigla sa ipinagtapat ni Cecille. "Cecille, kasalanan sa propesyon namin 'yan pero gagawin ko ang magagawa ko. Ingatan mo ang baby mo." ang tanging nasabi ng doktora. Kahit papaano ay naging mabait si Lukas kay Cecille ng malaman nitong buntis ang asawa. Pero 'andun pa din sa isipan ni Lukas ang ginawang pagsisinungaling sa kanya ni Cecille kaya hindi nito maiwasan ang pagmamalupit nito sa asawa. Hanggang sa makapanganak si Cecille. Tuwang-tuwa si Mayor Juancho at ang asawa nito sa kanilang unang apo ,mistulang fiesta nu'ng ito ay pinabinyagan. Lahat ng nais pumunta sa handaan ay maaaring dumalo. Subalit ang hindi nila alam ay hindi natutuwa si Lukas sa nangyari. Ipinagtaka nito ang kabuwanan ng pagsisilang ni Cecille at hindi ito tumugma sa una nilang pagtatalik. Lihim nitong pinuntahan ang doktora at binantaan na magpapa-imbestiga siya at kakasuhan ang doktora kung hindi ilalabas ang totoong record ng check-up ni Cecille. Sa takot ng doktora ay ipinagtapat nito ang katotohanan kay Lukas. Sinabi ng doktora kay Cecille ang ginawa ng asawa nito kaya napilitan siyang sabihin ang totoo at naintindihan naman ni Cecille ang panig ng doktora. Napahinto sa kanyang iniisip si Cecille ng biglang dumating ang kanyang mga biyenan. "Cecille, what happened to my son?" umiiyak at yakap na salubong ni Mrs. Valentin kay Cecille. Sinapo agad naman ni Ex-mayor ang isasagot ni Cecille na siya din niyang sinabi sa mga pulis na mag-iimbestiga. "Lilia, pinasok nga bahay ng anak natin. Du'n sa guestroom naghahalungkat na inabutan ni Lukas kaya du'n nabaril ang anak natin." paliwanag ng ex-mayor sa asawa. "Dapat hinayaan nyo na lang." dugtong ni Mrs.Valentin. "Sino naiwan sa bahay?" tanong ni ex-mayor kay Cecille. "Si Karl, si Cholo saka po si Mang Carlos." sagot ni Cecille. "Joey, umuwe ka muna du'n sa bahay tiyak na may nag-iimbestiga na duon. Tara lang." tawag ni Ex-mayor kay Joey at niyayang lumayo kina Cecille at Mrs.Valentin. "Joey, nag-usap na kami ni hepe. Ang hanapin nyo ay 'yung babaeng binitbit nyo kagabi. Pasasamahan ko kayo kila hepe. Hanapin n'yo at ipagtanong n'yo kung saan umuuwe. Maliwanag ba? Si Cholo hayaan mo muna du'n para may kasama si Karl at Carlos dun." mahinang habilin ni ex-mayor kay Joey. "Sige po mayor." pagkasagot ni Joey ay tinungo na nito ang motor at umalis na. "Sino po kamag-anak ng pasyente? Ah mayor kayo po pala, good evening po. Madam good evening, misis." bati ng doktor galing ng emergency room kina ex mayor, Cecille at Mrs.Valentin. Tumalima agad ang tatlo sa pagkakatawag ng doktor. "How's my son doc?" "Kamusta si Lukas?" "Ano po lagay ng asawa ko dok." halos sabay-sabay na tanong ng tatlo. "Nakuhanan na po namin ng xray si Vice. May tama po siya malapit sa puso at sa lungs nya. Tatapatin ko po kayo, medyo delikado po ang lagay ni vice. Marami pong nawala na dugo sa kanya at kailangan pong maialis 'yung bala ng baril sa loob ng katawan niya. Tumawag na po kami kung saan may available na dugo na ka-type ni Vice at in a few minutes from now eh padating na po 'yun. Wala po tayong surgeon dito na mag-aalis ng bala niya kaya dapat po siyang mailipat agad sa mas malaking ospital mayor." mabilis at malinaw na paliwanag ng doktor "P*tangina namang ospital 'to. Wala bang pwedeng mag opera dito. Ano bang klaseng ospital to ha?" galit na sabi ni ex-mayor. "Huminahon po kayo mayor. Mas maganda na po kung dalhin siya sa maynila at may espesyalista din po du'n para sa puso at baga na halos kalapit na ng bala na tumama kay vice para makita po kung naapektuhan yung internal organs niya. Habang nasa ambulansya po siya ay gagawin na po ang blood transfusion para po hindi siya maubusan ng dugo." dugtong ng doktor. "Gawin n'yo na kung ano ang dapat. Nasan na ba yang inutusan nyong kumuha ng dugo.?" galit at malakas na boses ng ex-mayor. Hindi na nagsasalita si Cecille at Mrs.Valentin dahil sinasabi na din ni ex-mayor ang nais nilang malaman. Nakinig na lamang sila sa sinabi ng doktor. "Opo mayor." sagot ng doktor. "Oh ayan na pala, ikabit ko lang po sandali. Excuse me." sunod na sabi ng doktor ng makita ang padating na ambulansya dala ang dugo na kinuha sa ibang ospital. "Cecille, hindi pwedeng bumyahe ng malayo ang mommy mo. Susunod din ako mamaya tawag lang ako magda-drive sakin. Balitaan mo 'ko maya't-maya ha." sabi ni ex-mayor kay Cecille at niyaya na nito ang asawa na umuwe. "Opo Daddy mag-iingat po kayo." sagot ni Cecille sa biyenan na lalaki "Cecille, please tulungan mo ko magdasal para kay Lukas." pahabol ni Mrs.Valentin. "Lilia, think postive. Ano ka ba?Makakaligtas anak natin." naririnig ni Cecille na sinasabi ng kanyang biyenan na lalaki sa asawa nito habang papunta ito sa sasakyan nila. Maya maya pa'y niyayaya na si Cecille ng isang nurse para sumakay sa ambulansya dahil nakita na din niyang inilalabas na si Lukas at may nakakabit na itong oxygen at sinasalinan na ng dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD