Chapter 13

1364 Words
Inabangan na ni Cecille ang pagdating ni Arnold sa oras na lagi itong dumarating. Hindi kumikibo si Aling Upeng na nagbabasa ng komiks pero nahalata niya ang kilos ng anak. Maging si Mang Delfin na nagsisibak ng panggatong sa ilalim ng punong mangga ay nahalata ang kilos ni Cecille na hindi mapalagay pero gaya ni Aling Upeng, hinayaan lamang nila ito. "Magandang hapon po Mang Delfin." bati ni Arnold habang bumababa sa kanyang bisikleta. Isinandig niya 'yun sa puno at akmang magmamano kay Mang Delfin. "Sige na at marumi 'tong kamay ko." tinanggihan ni Mang Delfin ang pagmamano ni Arnold at gumawa na lang ito ng dahilan. Napansin 'yun ni Arnold dahil dati-rati'y kahit ano pang hawak nito o ginagawa ay pinagmamano siya. "Tao po." tawag ni Arnold habang pumapanhik ng hagdanan. Nabosesan agad ni Cecille si Arnold kaya't mabilis nitong tinungo ang pintuan. Wala namang kakilos-kilos si Aling Upeng gayong naririnig din niya ang tawag ni Arnold. "Pasok ka Arnold, akala ko'y hindi ka na darating. Pagabi na kasi." nakangiting bungad ni Cecille. "Dami ko kasing projects, inuna ko munang gawin. Tinapos ko muna bago ko pumunta dito." sagot ni Arnold. Alam na ni Arnold ang mga plano ng mga Valentin at ng mga magulang ni Cecille dahil sinabi ito sa kanya ng kanyang inang si Milagring kaya hindi na siya nagtataka sa pakikiharap sa kanya ng mga magulang ni Cecille. "Magandang hapon po Aling Upeng." bati ni Arnold sa Nanay ni Cecille na hindi man lang huminto sa pagbasa sa hawak nitong komiks. Parang napahiya si Cecille kay Arnold sa inasal ng kanyang ina pero siya na din mismo ang gumawa ng paraan para hindi na ito mapansin ni Arnold. "Naku sinusubaybayan ni Nanay 'yan kaya mahirap abalahin 'yan kapag hawak na n'yan ang komiks." aniya. "O kamusta na pag-aaral?" dugtong agad ni Cecille. "Daming projects. Sunod-sunod ang quiz, long test, pero kinakaya naman. Ikaw? Dalawang sem ka na lang ah." si Arnold. "Malapit na kaming mag-thesis. Nahihilo na 'ko minsan sa dami ng numbers na nakikita ko. Kahit sa pagtulog napapanaginipan ko na puro numero." sagot ni Cecille sabay tawanan nilang dalawa. Lihim na nakikinig si Aling Upeng na nasa gilid ng bintana. Wala naman sa komiks ang atensyon nito at nakikinig lang sa pinag-uusapan ng dalawa at halos mapilas ang pahina ng komiks sa tuwing ililipat niya ng pahina ito. Patuloy sa kwentuhan ang dalawa. Hindi alam ni Cecille na alam na ni Arnold ang mga plano sa kanya nila Mayor at ng magulang niya pero hindi pa alam ni Arnold ang tungkol sa pagtanggal ng scholarship nila ni Cecille. Gusto ng sabihin ni Cecille ang mga nasa sa loob niya subalit nakabantay ang Nanay niya sa sala na hindi naman dating ginagawa at 'andun naman sa ilalim ng punong mangga si Mang Delfin na nagsisibak ng kahoy kaya't hindi rin sila makapwesto duon. Naisipang magtimpla ng kape ni Cecille para kay Arnold at sa pagbalik nito at may hawak na itong kapirasong papel at ballpen. "Magkape ka muna." alok ni Cecille pagbalik nito galing sa maliit na kusina. "Salamat. Aling Upeng kape po tayo?" alok ni Arnold sa nanay ni Cecille Imbes na sumagot ay muli nitong inilipat ng malakas ang pahina ng komiks na hawak. Sinamantala ni Cecille na magsulat habang nagbabasa ng komiks ang kanyang ina. "Magkita tayo bukas sa plaza.9am. Magpapaalam akong may project kami." ang siyang nilalaman ng sulat ni Cecille. Pagkatupi ng papel ay inabot niya agad ito kay  Arnold. Pinamulsa naman agad ito ni Arnold at saktong ibinaba ni Aling Upeng ang hawak na komiks. Sakto din naman na nasa huling hakbang na ng hagdan si Mang Delfin para makapasok ng pinto kaya't hindi nila natanaw ang pagkakapamulsa ni Arnold ng sulat. "Arnold." si Aling Upeng. "Po?" sagot naman agad ni Arnold. "Tutal naman eh nandito ka na rin lang eh sasabihin na namin ni Delfin 'yung gusto naming sabihin sa 'yo." nakataas pa ang dalawang kilay ni Aling Upeng. Si Mang Delfin ay nanatili sa may pintuan pagkapanhik ng hagdanan. Naghihintay si Arnold ng sasabihin ni Aling Upeng. Kinakabahan naman si Cecille sa pagiging taklesa ng ina. Siguro naman ay nababalitaan mo na ang nalalapit na kasal nila Cecille at Lukas." bungad ni Aling Upeng. Bagamat alam na ni Arnold ang planong 'yun ay napasinghap pa din ito. "Nay." si Cecille na gustong pigilan ang sasabihin ng Ina. "Tumahimik ka Cecilia. 'Wag kang bastos nagsasalita pa ko." pambabara ni Aling Upeng kay Cecille. "Baka kung ano isipin ng mga nakakakita na tumatanggap pa ng bisitang lalaki si  Cecille, nakakahiya lalo na kay mayor. Baka naman kung pwede eh iwasan mo na ang pagpunta dito." diretsahang salita ni Aling Upeng. Inaasahan man ni Arnold ang mga salitang 'yun ay masakit pa din sa kanya na marinig 'yun. "Nay ano ba naman yan? 'Wag n'yo namang bastusin si Arnold." sawata ni Cecille sa ina. "Cecilia makinig ka sa Nanay mo, nagtataas ka pa ng boses." singit ni Mang Delfin. "Hindi ako nambabastos Cecilia, sinasabi ko lang kay Arnold 'yung totoo at 'yung dapat. Alam nyo naman na maraming tsismoso at tsismosa dito. Pinoprotektahan ka lang namin bilang magulang mo. Sasabihan mo pa kong bastos." si Aling Upeng. "Hoy Cecilia yan ba mga natututunan mo sa eskwelahan ha? 'Yung mga ganyang pagsagot sa magulang?" dugtong ni Mang Delfin. "S-sige tutuloy na ko Cecille. 'Wag ka ng sumagot." sabi ni Arnold sa kasintahan. "Sige po tutuloy na po ako A-aling Upeng, Mang Delfin." sapilitang paalam ni Arnold. Hindi kumibo ang pinagpaalaman ni Arnold. Nanatiling nakataas ang kilay ni Aling Upeng, Gumilid naman si Mang Delfin upang bigyang daan ang paglabas ni Arnold na sinundan pa din ni Cecille hanggang sa makababa ito. "Arnold pasensya ka na sa kanila ha." aniya habang kinukuha ni Arnold ang bisikleta nito. Nakadungaw naman sa bintana si Aling Upeng at minamasdan ang ikikilos ng dalawa bago ito magpaalaman. Masamang-masama ang kalooban ni Arnold sa kanyang pag-uwe at nahalata kaagad 'yun ni Milagring, ang nanay ni Arnold. "Aga mo yatang nakauwe Arnold." bungad ni Milagring sa anak habang nagluluto ito ng hapunan. Hindi agad sumagot si Arnold sa halip ay kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig galing sa pitsel at naupo sa kanilang kainan malapit sa pinaglulutuan ng nanay niya. "Galing po ako kila Cecille 'Nay." saka pa lang sumagot si Arnold pagkalagok nito ng tubig. "Eh saan ka pa nga ba manggagaling? Du'n ka lang naman talaga nagpupunta kapag wala kang pasok." aniya ng ina nito. "Nay." "Oh." "Nay ayaw na ko papuntahin nila Aling Upeng dun eh." naluha bigla si Arnold pagkasabi nu'n. Napansin 'yun ni Milagring, nabitiwan bigla nito ang sandok na ginagamit sa paghalo ng nilulutong bulanglang na sitaw at naupo sa harap ng anak. "Ha? Eh bakit naman daw? Teka inano ka ba dun? Bakit ka umiiyak?" taranta ang pagkakatanong ni Aling Milagring. "Malapit na daw po kasing ikasal si Cecille. Iwasan ko na daw po si Cecille." nagsunod-sunod ang luhang bumagsak mula sa mga mata ni Arnold. "Di ba nasabi ko na sa 'yo pinaplano nila anak. Hindi ko alam ipapayo ko sayo anak pero kung ako ang tatanungin mo, 'wag mo ikagagalit anak ha, pero ikaw na ang magsakripisyo. Isuko mo na ang pagmamahal mo kay Cecille. Naaawa ako sa 'yo anak eh. Sino ba namang ina ang hindi naghangad ng mabuti para sa anak n'ya?" si Aling Milagring na naiyak na din para sa anak. "Nay, mahal na mahal ko si Cecille. Hindi naman po ganun kadali 'yun 'nay. Saka masakit po magsalita sila Aling Upeng." sabi ni Arnold habang pinapalis nito ang luha gamit ang braso. "Makakatagpo ka din siguro anak ng iba. Mahirap kalaban 'yung karibal mo eh. Nakita ko na halos ibigay na nu'ng mag asawang Upeng at Delfin si Cecille sa mga Valentin. Nakikita ko din ang paghihirap ng kalooban ng kasintahan mo anak, pero ang tanong nga eh kung ano magagawa natin?" patuloy ni Aling Milagring. "Nay, hindi ko po yata kaya 'nay." tuluyan ng dumukmo si Arnold sa mesa at napahagulgol ito. Naroon pala si Mang Fredo na tatay ni Arnold. Narinig niya ang pinag-uusapan ng mag-ina at nakita niya kung gaano kabigat sa kalooban ng anak ang mga sinasabi nito. Damang-dama niya ang nasa sa loob ng anak niya, pero gaya ng asawa niyang si Milagring, maaaring ganun na din ang ipapayo niya sa anak. Napansin ni Milagring ang pagkakatayo ng asawa, nagkatinginan lamang ang mga ito. Napailing na lang ng ulo si Aling Milagring habang hiihimas ang likod ng humahagulgol na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD