"Mommy inaantok ka na ba?" tanong ni Karl ng makapasok na sila ng bahay. Naramdaman ni Cecille na magtatanong na naman si Karl tungkol kay Arnold kaya umarte siyang inaantok. "Uhm, Oo anak eh. Bakit? Magpahinga ka na din. Bukas na lang tayo magkwentuhan ulit. Magdasal ka muna ha. Ipagdasal mo ang daddy mo." tuloy-tuloy na pagsasalita ni Cecille habang papanhik sila ng hagdan ni Karl. "Okey sige Mommy. Na-miss ko na bigla si Daddy." si Karl. "Anak, sige na. Pahinga na muna tayo." si Cecille nang paliko na siya sa kwarto nila ni Lukas. Wala naman halos nagbago sa loob-loob ni Cecille. Pagbukas niya ng kwarto ay tanging siya lamang ang naroon. Ang kaibahan lang sa ngayon eh gigising siya na wala na siyang katabi palagi. Binabagabag pa din ang kaisipan niya tungkol kay Jocelyn. Kailangan