Napansin ni Karl na tatlong buwan na ang nakalipas simula ng mamatay ang Daddy niya ay hindi pa din bumabalik ang dating sigla ng kanyang ina . "Mommy, okay ka lang ba? Tuwing uuwi na lang ako parang pilit 'yung mga ngiti mo. Saka teka parang nangangayayat ka yata mommy. May sakit ka ba?" usisa ni Karl sa ina. Pinilit namang pasiglahing muli ni Cecille ang sarili at napansin din niya ang bahagya niyang pagpayat dahil lumuwag sa kanya ang ibang pantalon at blouse niya. "Karl kung anu-ano napapansin mo sa 'kin. Okey lang ako. Madalas nga kami magkausap ngayon ni Tita Doreen mo kasi desidido na siya sa pagtakbo niya kapalit ng Daddy mo." sabi ni Cecille. "Kausap mo lang pala sa phone, nakakapayat ba 'yun?" tanong ni Karl. "Napahina lang siguro kain ko nitong mga nakakaraang araw." palus