Chapter 70

2269 Words

Kabado ako nang bumaba kami para kumain ng dinner. May kaonting pagsisi sa akin dahil sana pala ay hindi ko muna sinabi sa mga kaibigan ko dahil hindi nila maiwasan ngayon na mapatingin sa aming dalawa ni Tristan. Sana pala ay pagkatapos na lang naming kumain para hindi double-double ang kabang nararamdaman ko ngayon. "Cheska, kumusta?" tanong ni Jake nang nginitian ko sila. "Naku, Jake! Ayos na ayos lang 'yan," si Milan kaagad ang nagsalita kaya bahgaya akong natawa dahil sa pagiging dalahira niya. "Hindi naman ikaw ang tinatanong, Milan!" maarteng sabat sa usapan ni Riva pagkatapos ay natawa. "Ay hindi ba? Akala ko ako! Sorry ha?" natatawang sabi naman ni Milan. Nagtawanan kaming lahat dahil doon at kahit papaano ay naiibsan din ang kaang nararamdaman ko. Sa dalawa ko pa lang sinasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD