Lahat sila hindi makapaniwala sa sinabi ni Tristan nang gabing 'yon lalo na ang mga kaibigan niya. Marami silang tanong lalo na sa relasyon nila ni Francine at sinagot naman lahat 'yon ni Tristan. Si Kuya Rafael, Riva at Milan ay kunwari ring nagulat at isa rin sila sa mga nagtatanong kahit pa alam naman na nila ang totoo. Sa una talaga ay hirap silang paniwalaan dahil sa tagal ng pagkakaibigan nilang lahat ay ang alam talaga nila na si Francine lang ang nagpatibok ng puso ni Tristan. Totoo rin naman 'yon dahil si Francine naman talaga ang nililigawan niya noon at alam ko rin iyon. Sinabi rin naman sa akin ni Tristan 'yon at nakakatuwa pa rin dahil mas nanaig ang friendship nilang dalawa. Natapos ang gabing 'yon nang kaming dalawa ni Tristan ang pinulutan nilang topic. Bawat tanong naman