Natapos ang pag-uusap namin ni Francine sa araw na 'yon at nang maghapon na ay kinailangan na niyang umalis dahil may trabaho pa raw siya. Hinatid ko siya sa isang restobar na pinagtatrabahuhan niya at dumiretsyo naman ako sa labas ng campus para roon na lang hintayin sila Riva at Milan. Habang naghihintay ako roon ay hindi ko mapigilang mapaisip kay Francine dahil kitang-kita at ramdam na ramdam kong mahal niya talaga si Vince. Hindi ko nga lang alam kung ganoon din ba ang nararamdaman ni Vince para sa kaniya lalo na at nagawa na pala nitong magloko noon. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko kinuha ang phone ko para magtipa ng text para kay Vince. I want to talk to him first bago ko kausapin ni Tristan tungkol doon. To Vince: Hi! Are you free today? Can we meet? Ilang minuto akon