"May ipapakilala ako sa'yo!" sigaw ni Claire sa akin habang hila-hila ako sa loob ng bar. Hindi pa ganoon kalalim ang gabi pero marami nang tao roon. Nagkwentuhan lang kami nila Riva kanina sa bahay at hindi nga rin ako nakatulog at nakapagpahinga dahil nalibang ako sa napakakulit na anak nila ni James. Sabay-sabay na rin kaming nag-dinner dahil nagpaalam ako sa kanila na may night out party kami ng mga kaibigan kong flight attendant at cabin crew. Pinasasama nga sa akin ni James si Riva dahil simula nang magkaanak ito ay hindi na nakakasama sa amin na lumabas sa gabi pero tumanggi siya. Understood naman dahil iba na nga si Riva ngayon at masasabi kong responsible siyang Mommy kay baby Lilly. "Wala akong oras para lumandi ngayon, Claire. Kaya tigil-tigilan mo ako ha!" suway ko sa kaniya