Wala nga akong nagawa kung hindi pumasok na lang sa loob ng bahay na pinagdalhan sa akin ni Tristan dahil kahit ano ang gawin ko ay hindi ako makakaisip ng paraan para makaalis sa gabing 'yon. Hindi naman na niya ako ginulo pa sa kwarto at kita kong kompleto ang mga gamit doon. Siguro ay dahil sa nainom na alak ay agad na rin akong dinapuan ng antok kaya nakatulog ako kaagad. Kinabukasan ay agad na naman akong napabalikwas sa higaan nang maalala ko kung nasaan ako. Hinanap ko kaagad ang purse na dala ko sa bar kagabi dahil naroon ang phone ko. Alam kong mag-aalala sa akin si Riva dahil ang pangako ko sa kaniya ay tatawag ako sa kaniya kapag nakauwi na ako. Tanging ang high heels lang ang naroon at napaupo na lang sa kama nang hindi ko nakita ang purse ko roon. Maliwanag na sa kwarto at